Huhuhu! Patagal ng patagal, ay palapit na po ng palapit ang katapusan ng love story ni Dion Samonte at ni Sophie Tehada. Mamimiss ko itong story ko na ito. Huhuh!
DyosaJadine36>>> Critical Condition
Walang ibang magawa si Sophie kundi ang lumuha at maupo sa passenger seat ng sasakyan ni Dean.
Sinundo sya ng binata sa bahay nila Chris. Nalaman nyang nabaril si Dion at kagagawan ito ng sariling ina.
Napailing-iling sya. Paanong nagawa iyun ni Esperanza sa sariling anak? Talagang nababaliw na ang babaeng iyun.
Nung una ay si Danica ang pinagtangkaan nito, bago ngayon ay ang lalaking pinakamamahal naman niya? Hindi na yata sya makakapayag na msy isunod pa ang matandang babae na iyun.
"We're here!" bulalas ni Dean at kaagad na inihinto ang sasakyan sa masikip na parking lot.
Hindi na nya hinintay pang makababa ang binata, kaagad na syang lumabas ng sasakyan. Binalak nyang tumakbo papasok ng hospital ngunit hinawakan ni Dean ang kanyang kamay.
"Bitawan mo ako Dean, gusto kong makita ang Kuya mo" umiiyak nyang bulyaw sa binata.
Masisisi ba sya ng binata kung bulyawan nya ito? Nag-aalala lang naman siya kay Dion. Natatakot sya na baka magkatotoo ang kanyang panaginip.
Kanina lamang nya napagtanto na baka hindi lang basta panaginip iyung napanaganipan nya kagabi, paano pala kung magkatotoo iyun katulad nung nangyari dati?
Mas napahagulhol pa sya nang yakapin sya ng binata. Natatakot sya, natatakot sya na baka iwan talaga sya ni Dion.
"Malakas na tao si Kuya, makakaligtas sya. Tsaka may misyon pa syang dapat tapusin, at iyun ay ang buuin muna ang pamilya nyong nasira. Madami pa syang pangarap para sa inyong dalawa at para sa mga anak mo"
Muli syang napahagulhol. Sya rin, marami pa syang pangarap para sa kanilang nasirang pamilya. Pero paano kapag mawala lahat ng pangarap na iyun sa isang iglap lang?
"Let's go inside Dean, I want to see Dion"
"Yeah, let's go. Pero dito kalang sa likod ko, baka nandito si Mom"
Nagtangis yata bigla ang kanyang panga nang marinig na nandito ang magaling na Esperanza na iyun. Wala na syang pakialam kung magkita man silang muli. Kung kailangan nyang kalabanin ang ina ni Dion ay gagawin nya para lang makita ang pinakamamahal na lalaki.
Nabalik sya sa sarili nang hilahin na sya ni Dean papasok ng hospital. Sa tuwing palapit sila ng palapit sa kanilang patutunguhan ay bumibigat ang kanyang dibdib. Natatakot syang malaman kung kumusta na si Dion.
"Hayun sila"
Natigilan sya nang ituro ni Dean ang kanyang mga anak na kasama ni Danica. Napaluha sya. Namiss nya ang mga ito, kahit paano ay nabawasan ang kanyang takot na nararamdaman.
"Sean, Sage, Xeldre!"
Mabilis syang tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mga anak. Mabilis nya pa itong sinunggaban ng yakap.
"Mommy!" kanya-kanya sila ng hagulhol.
Masisisi nyo ba sila? Ilang linggo rin silang hindi nagkita. Ngayon nalang ulit at sa ganitong sitwasyon pa talaga.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
Storie d'amoreThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...