DyosaJadine36>>> 2.36>>>Reality
[Esperanza's Point Of View]
Kasalukuyan ako ngayong nakangiti habang umiinom ng alak. Hindi mawala-wala saking labi ang isang nakakalokong ngiti sa tuwing naiisip ko ang plano ko para sa Sophie na iyan.
Binalaan ko na noon ang hampas lupang babae na iyun pero heto sya, talagang bumalik pa sya para lang sirain ang masayang buhay ng anak ko at mga apo ko.
Kung noon ay hinayaan ko syang makaligtas sa paghihiganti ko, ngayon ay hindi na.
Pero iibahin ko na ang estratehiya ko ngayon. Magsisimula ako sa anak kong si Dion. Alam ko namang mahal na mahal nito si Sophie eh.
Pero pinoproblema ko rin si Dean. Hindi ko aakalaing sasaksakin nya ako ng patalikod kahit na ina pa nya ako para lang sa Sophie na iyan. Sariling anak ko ay handa akong kalabanin because of her... Hindi ako makakapayag!
"Mom, heto na iyung hinihingi mo"
Nakangiti kong kinuha ang isang brown na envelope mula kay Danica. Maaasahan talaga ang anak kong ito.
Inilapag ko ang hawak na kopita sa table bago binuklat ang brown envelope na naglalaman ng ilang litrato ng hampas lupang si Sophie. May ilan ring papel na naglalaman ng information about her.
"So, isa syang Music Instructor sa paaralang pinapasukan ng mga apo ko? Mautak sya ah? Talagang gumagawa sya ng paraan para makasama ang mga anak nya?" tumawa ako ng malakas, talagang hindi titigil ang babae na iyun huh?!
"Yes Mom. Gusto mo bang iutos ko sa mga tauhan natin na alisan sya ng trabaho?"
"No Danica. Hayaan mo muna sya!"
"Pero Mom, mas mapapalapit sya sa mga pamangkin ko kapag hinayaan lang natin sya"
"Danica, wala naman ako sinabing pababayaan natin sya sa ginagawa nya eh. Ang sabi ko lang, hayaan muna natin sya"
"What do you mean Mom?"
Hindi ako sumagot at sa halip ay ngumisi ako bago muli na namang lumagok ng alak. Nae-excite ako sa tuwing naaalala ko ang mga napagplanuhan ko na.
"Tignan natin kung ano pang malalaman natin about her" muli kong binasa ang information about her at talaga namang namangha ako.
"Sayang lang at hindi pa sya natuluyan nung na-comatose sya. Talagang nabuhay pa sya at nagpabuntis huh?!"
"Well Mom, ganyan talaga ang mga hampas lupa. Kahit kanino magpapabuntis para magka-alas at para yumaman"
"Ano pa nga ba?"
"Teka nga Mom, bakit kailangan pa natin iyang information about Sophie? Why don't we send Kuya Dion's offspring back to States para hindi na sila magulo pa nung Sophie na iyun?" suhestiyon pa nito na ikinahalakhak ko lamang.
"Ano ako Danica, uto-uto? Tapos na ang pagiging mabait ko sa babaeng iyan. It's time para gumanti ako sa kanya, in a simple but deadly pain revenge" sagot ko rito at lumagok pa ng alak.
"I like that Mom. But how, what is your plan?"
"My plan? Just wait and see my dear Danica"
[Sophie's Point Of View]
"Mommy, hindi po talaga ako makapaniwala na kayo ang bago naming Music Instructor!" bulalas ni Xeldre habang masayang umupo sa sahig.
Pumasok kami dito sa loob ng Pool Room para naman magkaroon ng kaunti man lang privacy.
"Sa totoo lang ako rin. Ibang section kasi iyung ibinigay sakin nung nag-assist, pero nagrequest ako na kung pwede sa section nyo nalang ako magturo"
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomansaThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...