Guys, late update ng Chapter 26. I thought it's done but it's not.
DyosaJadine36>>> Bati
[Sophie's Point Of View]
Patuloy parin at walang tigik ang mga luha ko na nag-uunahang pumatak saking pisnge.
Ang sakit-sakit kasi. Nagsasawa na ba si Dion sakin kaya ganun nalang bigla ang pakikitungo nya sakin kanina?
"Alam mo, bilib narin naman nga ako talaga sa mga lalaki! Hirap na hirap silang makuha ang matamis nating oo tapos bigla-bigla nalang nila iyung sasayangin?!" himutok ni Francesca dahil sa matinding pagka-inis kay Dion.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Lyn, at ikinuwento ko sa kanila ang nangyari last week. Oo isang linggo na ang nakakalipas nung bigkang mag-iba ang pakikitungo ni Dion sakin.
Palagi itong iwas. Hindi na lumalapit at nakikipag-usap sakin. Kaya heto, lumapit na ako sa mga kaibigan namin.
"Ano bang sinasabi mo dyan Francesca?" naguguluhang tanong ni Andrea.
"Oh bakit, diba totoo naman? I'm sure after that, magsasawa na si Dion tsaka maghahanap sya ng iba. Like my ex, ganyan naman ang mga-------" mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig.
She have a point. Kinilabutan ako bigla at mas napa-iyak. Paano kung totoo ang mga sinabi nya? Hindi ko kaya, mahal na mahal ko si Dion.
"I'm so sorry Sophie, joke joke joke ko lang iyun" paghingi pa ng tawad nito at nagpeace sign pa.
"Manahimik ka kasi Francesca!"
"Hindi Lyn, tama naman sya eh. Maybe nagsasawa na nga sakin si Dion. But it doesn't mean na pababayaan ko nalang ang bagay na iyun!"
"So what is your plan?" tanong ni Eunice.
"Wala pa sa ngayon, aayusin ko muna ang hindi namin pagkaka-unawaan ni Dion"
"Paano kung hindi iyun maayos?" tanong naman ni Andrea.
"I don't know!" and I started to cry again.
Masisisi nyo ba ako sa pagiging emotional? Masarap magmahal, sobrang sarap sa pakiramdam. At kakambal niyun ang matinding sakit.
"Tahan na Sophie. Magkaka-ayos rin kayong dalawa ni Dion. But for now, give him space to think and to realize his wrong!" sabad ni Abegail.
"Tama ka Abegail" segunda ko.
Thanks to her. Maaasahan talaga ang mga advice ni Abegail.
Lakad papuntang kaliwa, lakad papuntang kanan. Lakad paharap, lakad pakaliwa. Tingin sa orasan at mapapahawak sa sintido ng ulo.
It's already 12:30 PM but still Dion is not here. Nasaan na ba sya?! Nag-aalala na ako ng sobra. Baka napaano na iyun... Pwede ring nagpapakasaya sa piling ng iba. Pero hindi, hindi ganung klase ng lalaki si Dion.
Napalingon ako sa pinto nang magbukas ito. Napangiti ako nang makita kong si Dion iyun. Matiim syang nakatingin sakin pero binalewala ko iyun at mabilis itong niyakap. Mukhang lasing ito, base narin sa naaamoy ko.a
"Dion bakit ngayon kalang----- Dion, n-nasasaktan ako!" itinulak kasi ako nito palayo sa kanya tsaka ako hinawakan sa magkabilang braso ng sobrang higpit.
"Sino sa buhay mo si Rodrigo at Celina Tehada?!" nanggagalaite sa galit na tanong nito.
K-kilala nya ang mga magulang ko?! Bakit nya naitanong ang tungkol sa parents ko?! Bakit?!
"Answer it Sophie!" sigaw pa niya sakin.
"Bakit mo natanong ang bagay na iya-----"
"Just answer that f*cking question Sophie!" mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso ko.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...