Chapter 2.35; Music Intstructor

3.8K 97 8
                                    

DyosaJadine36>>> Music Instructor

Napabalikwas ako ng bangon pagkamulat palang ng mga mata ko. Napangiwi pa ako nang maramdaman kong may masakit sa parte ng katawan ko.

"Sophie?"

Bigla akong natameme nang makita si Dion na nasa tabi ko habang nakaupo sa upuan. Mukha syang bagong gising.

"Kumusta?"

"W-what are you doing here?!" nagtatakang tanong ko.

"Ako ang nagdala sayo dito sa Hospital" sagot nya na ikinataka ko.

Nasa Hospital kam----oh my gosh, ngayon ko lang naalala. Manganganak na dapat ako pero bigla akong nawalan ng malay.

"Nasan ang baby ko? Si Chris, asan sya?" naaaligaga kong tanong kay Dion.

"Parating na iyung fiancee mo, at nasa nursery naman ang anak mo"

Fiancee? Kung alam lang nito na wala akong fiancee at single pa ako. But never mind, gusto kong makita ang anak ko.

"Gusto kong makita si baby Vance"

"Vance? Ang pangit ng pangalan ng anak mo" iniinsulto nya ba ang pangalan ni baby Vance?!

"Are you insulting my baby's name, Dion?" tanong ko pa rito bago sya tumayo.

"Absolutely yes. Walang mas gaganda pa sa pangalan ng mga anak ko. Anyway, sabi ng doctor hindi kapa pwedeng kumilos dahil inoperahan ka para lang mailabas iyung bata. Kanina lang naganap iyung operasyon kaya sariwa pa iyang sugat mo" mahaba nitong paliwanag habang nakapamulsa pa.

"Alam ko namang maganda ang pangalan ng mga anak ko, Dion! Ako kaya ang nag-isip ng pangalan nila" may pag-irap ko pang sabi rito.

"Correction, tayo ang nag-isip at ang nagbigay ng pangalan sa anak natin" nakangisi nitong pagtatama at talagang diniinan pa ang salitang "anak natin."

Napairap nalang ako sa hangin, mukhang inaasar lang naman ako nito. All I want for now is to see Vance.

"Pakitawag naman ang nurse at pakisabing gusto kong makita ang baby ko"

"I'm not your servant, just to let you know. I'm sure hindi ka papayagan ng nurse na kumilos. Hintayin mo nalang na dalhin nila iyung anak mong pangit dito"

"Excuse me?! Did you just said that my son is ugly?!" hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"Narinig mo naman siguro"

"Aba't bastos ka!"

"Bakit, hindi naman ako naghuhubad sa harapan mo ah?" walang hiya talaga ang lalaking ito.

"Gusto mo bang maghubad ako sa harapan mo para sulit ang pagtawag mo sakin ng bastos?" may panunuya nitong tanong at ngumisi pa ang loko.

"Alam mo, paraan mo lang iyan para akitin ako eh! Sorry ka, hindi mo ako madadaan sa paghuhubad mo!"

Nagseryoso ang mukha nito pero pagkaraan ay humagalpak ng tawa. Problema ng lokong ito?

"Why would I attract you?! I don't care about you Sophie" boom!

Bakit ang sakit? Wala syang pakialam sakin? Kung sa bagay, may mahal na syang ibang babae. Pakiramdam ko ay libo-libong kutsilyo ang sumasaksak sa dibdib ko.

"Teka nga, inaano kaba ng anak ko?! Bakit mo ba nilalait si baby Vance? Una, sinabi mong pangit ang pangalan nya. Tapos ngayon mismong si baby Vance ang sasabihan mo ng pangit? Nakadrugs kaba?!"

"Well I'm just saying the truth. Kung ako ang ama ng batang iyan, I'm sure kasing gwapo nya ang mga anak ko at magkakaroon pa iyan ng magandang kambal. But the problem is, iyung pangit na Chris na iyun ang ama"

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon