DyosaJadine36>>> Muling Pagkikita
Nine months had passed. Hanggang ngayon ay ipinagbubuntis ko parin ang anak ni Chrizel at Christer.
Ang saya-saya ko nga eh. Pakiramdam ko ay ako ang tunay na ina ng batang dinadala ko.
Napag-usapan namin ni Chris at Chrizel na hati ang oras namin para kay baby Vance. May karapatan ako sa bata dahil ako ang nagdadala sa bata.
Maging tunay na ina man ako ni baby Vance o hindi ay mamahalin ko ito gaya ng pagmamahal ko saking mga tunay na anak.
"Hey, ready kana bang umalis?" nakangiting tanong ni Chris habang nakaakbay kay Chrizel.
Napaksweet talaga ng mga ito sa bawat isa. Kaya hindi ko magawang makalimutan ang mga masasaya at nakakakilig na alaala namin ni Dion eh. Nakikita ko ang past ko with Dion dahil kay Chris at Chrizel.
Minsan nga ay iniiyak ko nalang ng patago ang sakit na nararamdaman ko. Walang nakakaalam kung gaano kasakit ang mabuhay na wala si Dion at ang mga anak ko.
"Oo ready na akong umalis. Pero alam nyo, hindi nyo naman na ako kailangan pang ihatid eh!" sagot ko rito.
"Hindi iyun pwede Sophie. Iniisip lang namin ang kaligtasan mo at ang kaligtasan ni little Vance. Ilang linggo nalang ay maipapanganak mo na ang anak ko" napangisi ako at tinaasan ng isang kilay si Chrizel.
"Anak mo? Remember, magiging ina rin ako ni baby Vance" humagalpak naman sila ng tawa.
Hindi na kami nagkaka-inisan dahil sanay na kami sa bawat isa. Halos isang taon narin kasi kaming magkakilala at magkakasama sa iisang bubong.
Hanga nga ako sa tatag nilang dalawa. Never ko silang nakita na mag-away. Isa pa, sa panahon ngayon... Puro selos ang namamayani sa isang relasyon.
Kahit na sweet sakin si Chris as a friend eh ayos lang iyun kay Chrizel. Hindi nya binivigyan ng malisya. At masaya ako duon, nagtitiwala sya kay Chris at pati narin sakin.
"Bakit palagi nalang po si baby Vance ang pinag-aagawan nyo? What about me? Don't you love me na po?" malungkot na turan ni Veronica at umupo sa couch.
Nagkatinginan naman kaming tatlo bago lumapit kay Veronica. Kinalong ko sya at tumabi naman si Chris at Chrizel sakin.
"Of course we love you Veronica. Pero kailangan naming bantayan at palaging isipin si baby Vance for his safety" sagot ko.
"Pero nasa loob pa po sya ng tummy mo My, safe naman sya sa loob ng tummy mo diba?"
"Well safe ang little brother mo because iniingatan namin sya. I hope you understand my little princess!" nakangiting paliwanag ni Chris.
"I don't get you Daddy. Hindi naman po sya masasaktan o mapapahamak kasi nasa loob pa po sya ng tummy ni My. Wala pong bagay na makakasakit sa kanya. Not like me na nasa labas na" nakapout na banggit pa nito. Si Veronica talaga!
"Ganito kasi iyun baby Veronica. Isipin mo nalang na walang safe na lugar sa mundo kaya dapat tayong mag-ingat. Even Vance is inside your Mommy Sophie's womb, it doesn't mean that your little brother is safe. When you grow up, you will understand everything about pregnancy" mahabang paliwanag naman ni Chrizel.
"Also making baby?"
Natigilan kaming lahat dahil sa itinanong ni Veronica, pagkaraan ay humagalpak kami ng tawa.
"Why are you laughing Daddy, Mommy, My?" naguguluhan nitong tanong.
"Nothing. Mabuti pa, maligo kana dahil mamamasyal kayong tatlo" nakangiti kong sabi rito bago sya inilipat sa lap ni Chris.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...