Pumasok si Dion Samonte sa isang restaurant upang magkape. Ang dami nyang iniisip ngayon at isa naroon ay kung sino ang magmamana ng kanyang ari-arian.
Kagabi kasi ay nakipag-inuman siya sa ibang barkada sa isang malapit na bar sa kumpanya niya. Sa kanilang magkakabarkada ay siya nalang pala ang walang asawa at anak.
Sinabi nya sa mga ito na wala syang balak magpatali sa relasyon. Well he's serious about that, nasusuka sya sa isiping magkakaroon sya ng asawa.
Pare-pareho lang naman ang tingin nya sa mga babae. Mga malalandi, manloloko at mukhang pera. Wala naman syang past tungkol sa pag-ibig pero wala na syang magagawa kung ganun ang kanyang paniniwala.
"This is your order Sir." nakangiting inilapag ng waitress ang order nyang kape.
The h*ck! Sinasadya yata ng babae na akitin siya sa pamamagitan ng pagpapakita nito ng cleavage sa kanya.
Nag-init bigla ang kanyang ulo, ang ayaw nya sa lahat ay mga babaeng katulad ng babaeng nasa harapan nya ngayon.
"Get lost before I punch your ugly face" mahinahon ngunit nakakatakot niyang turan sa babae.
"O-opo" sagot nito bago nagmamadaling umalis.
Sisimsim na sana sya ng kape nang biglang may isang babae ang nakakuha ng atensyom nya. Maganda ito at talagang napakaganda rin ng katawan nito.
Hindi nya alam pero napalunok sya ng mariin. What's happening to him, bakit hindi nya maiwasang titigan ito?
Kasalukuyan nyang pinapanuod ang dalaga na nakikipagtalo sa isang matandang lalaki. Masasabi nyang napaka-cool nito at matapang na babae that makes him smirked.
"Bastos kang matanda ka!" tumayo na ito pagkatapos na mabuhusan ng tubig ang matandang lalaki.
Sandali pang nagkasalubong ang kanilang mga mata ng dalaga. Hindi nya rin alam kung bakit sya ngumisi but for him one thing for sure, magkakaroon sya ng tagapagmana ng kanyang ari-arian. At ang babaeng iyun ang makakapagbigay sa kanya ng kailangan nya.
Talagang umaayon sa kanyang plano ang lahat. Akalain nyong muling nagtagpo ang landas nila ng dalaga. Sophie pala ang pangalan nito, napakaganda.
Napangiti sya ng patago. Duon nya lang napagtanto na hindi lahat ng babae ay malandi at mukhang pera. Naiiba si Sophie sa babaeng naiisip nya.
Habang tinititigan ang dalaga ay nabubuo na ang mga plano nya para sa hinaharap. Umaandar na naman ang pagiging mapusok at masamang tao niya. Kaya sya binansagang BEAST.
THE END!
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...