Her Parents
Maaga palang ay gising na si Sophie at ang kanyang mga kaibigan na nasa iba't-ibang kwarto. Mamayang gabi ay uuwi na sila sa Manila. Ngayon pa lamang ay nalulungkot na siya dahil taon na naman ang hihintayin nila ni Eunice bago muling makabalik rito.
"Ladies, are you done eating for breakfast?" tanong ni Paul nang magkasama-sama sila sa iisang kwarto.
"Not yet./ Hindi pa." sabay-sabay nilang sagot.
"Perfect! Let's have breakfast at a restaurant out there." ani Kevin.
"Pero babe, bakit lalabas pa tayo? Pwede namang dito nalang, diba? This is a hotel after all." tanong ng girlfriend nito na si Lyn.
"No new dishes are being prepared by this hotel for us. Maybe we can find another dish outside. Besides, we've been here a few days. Gusto ko ring mamasyal sa labas."
"Yeah!" sang-ayon ng karamihan.
Nang mapagdesisyunan nila na sa labas nalang kumain ay nagsilabasan na sila ng hotel. At doon niya napansin na wala si Dion. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon? As far as she remember, wala ito nang magising siya.
"Shall we commute? And where is Dion?" she asked.
"Didn't your boyfriend say goodbye to you before leaving?" tanong ni Luigi na inirapan naman niya.
"Magtatanong ba ako sa inyo kung alam ko?"
"I'm sorry. He was already at the restaurant where we were going to eat. That restaurant is so famous that we might not be able to enter because there is no space. So Dion went right there para makapagpa-reserve tayo." he explained.
Hindi na siya umimik. Naghintay lang sila na makahanap ng sasakyan at agad na sumakay. Habang nasa loob sila ng karwahe ay hindi magkamayaw ang kanyang mga kasama sa pagtawa dahil mga gagong hunghang ang mga kalalakihang kasama nila ngayon.
Idagdag pa na sobrang namamangha ang mga ito sa pagsakay ng karwahe. Well, iilan nalang kasi ang makikita mong karwahe sa Manila. Madami talagang kabayo dito sa lugar nila at ginagamit narin nila ito bilang sasakyan para bawas polusyion. Hindi tulad sa Manila na lumabas kalang sandali ng bahay ay ang baho-baho na ng ulo at buhok mo dahil sa pollution.
Napabuntong hininga siya at nanatili na lamang tahimik, ang nais niya lang ay makarating agad sila sa restaurant kung nasaan ang boyfriend niya. She's not in her mood specially that she woke up without Dion by her side.
Tahimik lang siya hanggang sa marating nila ang destinasyon nila.
"Akala ko ba ay maraming tao ang nagpapareserve dito? Bakit parang sarado ang restaurant na ito?" tanong niya nang makahinto sila sa labas ng restaurant.
"Ladies, we will find boss first. We will contact you if you are free to go inside." ani Luigi bago sabay-sabay na pumasok sa restaurant ang mga kalalakihan.
What is wrong with them? Masyado bang malaki ang restaurant na ito para hanapin nilang lahat si Dion? This is confusing and weird. Kahit naiinis na siya ay nanatili siyang tahimik hanggang sa abutin sila ng ilang minuto.
"Two minutes na, wala parin sila." saad ni Francesca na sa wrist watch pa nya nakatingin.
"This is weird." komento ni Lyn.
"Mahuli ko lang na may kagaguhang ginagawa si Julius, mananagot sya sakin!" bulalas ni Francesca na ikinatawa nila.
"Guys! Lampas limang minuto na! Let's go inside." saad ni Lyn na nanguna pa sa pagpasok sa loob.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
Roman d'amourThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...