Chapter 2.45; Pregnant

4K 97 9
                                    

DyosaJadine36>>> Pregnant

"Bitawan nyo ako!"

Tanging pagsigaw lamang ni Laila ang naririnig sa loob ng mansion ng mga Javier. After two weeks, finally ay nahuli na ito.

Tulong-tulong ang mga Samonte, Tehada at maging si Chris ay nakitulong narin upang mahuli ang nagtangkang pumatay kay Dion.

"Sinabi ng bitawan nyo ako! Wala akong kasalanan, tatanga-tanga kasi iyang anak mo kaya sya nahulog sa hagdan at nabagok ang ulo. Hahahah!" pilit itong nagpupumiglas sa mga pulis na ngayon ay pinupusasan siya.

"Anong sabi mo?" mataray na tanong ng babaeng matagal na nyang kinamumuhian.

Ang babaeng napangasawa ng taong pinakamamahal niya. Ang babaeng pumatay kay Edgar, si Esperanza.

"Don't tell me, sobrang tanda mo na para hindi mo marinig ang sinabi ko? Oh well, matanda ka naman na talaga kaya bingi kana. Ang sabi ko, tatanga-tanga iyang an----" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may isang dalaga ang sumampal sa kanya ng pagkalakas-lakas na halos mawalan na siya ng balanse.

Nanlilisik ang kanyang mga mata na lumingon rito. It's Sophie. Napangisi sya, she never thought that this lady with angelic face can be bold and brave.

"Hwag na hwag mo'ng pagsasalitan ng ganyan si Dion! Hindi sya mahuhulog sa hagdanan kung hindi dahil sayo! You will pay for this!" nagpupuyos sa galit ang mga mata nito.

She just rolled her eyes then smirk to her. Sa katunayan nga nyan ay natatakot syang tumitig sa dalaga. This is the first time na makita nyang ganito ang mabait at inosenteng dalaga. Hindi sya sanay.

She don't want Sophie to notice her fear, she just gave her an evil smile rather. Hindi sya magpapadaig rito.

"Sige nga Sophie, anong kaya mong gawin?"

"Anong kaya ko? Ang iganti ang taong mahal ko kahit na sa maliit na bagay lang!" sagot nito at kaagad na sinabunutan siya.

Hindi sya makalaban dahil nakaposas na sa kanyang likuran ang kanyang dalawang kamay. Sampal, sabunot at kung ano-ano pa ang natikman nya mula rito. Hindi nya ine-expect ang ginawa ng dalaga sa kanya.

"Tama na po iyan!" bulyaw ng isang pulis at inilayo na sa kanya ang dalaga.

"Hindi ako makakapayag na makalaya ka. Mabulok ka sa kulungan!" sigaw pa sa kanya ng dalaga bago sya kaladkarin ng mga pulis palabas ng mansion.

Wala na ba talaga syang kawala?

"Esperanza?"

Nakakunot ang noo ni Sophie na nilingon ang dalawang matanda na kapwa naka-upo sa wheelchair. Mukhang sila mismo ang nakatira sa mansion na ito.

"Kayo pala" malungkot na sambit ni Tita Esperanza sa mga ito.

"Tita, sino po sila?" she asked out of curiosity.

"Sila ang mga walang kwentang Lolo at Lola ng mga anak ko" sagot pa nito sa kanya bago lumuha.

Malungkot syang lumingon sa dalawang matanda na nakatingin rin pala sa kanya. Hindi nya alam kung anong mararamdaman. Galit, lungkot at awa. Hindi nya alam.

"Esperanza, sana mapatawad mo kami" paghingi ng tawad ng Lola daw nina Dion.

"Huli na ang lahat" tanging nasagot nito sa matanda bago lumabas ng mansion.

Yumuko na lamang sya sa mga ito bago nilisan ang mansion. Ayaw na nyang bumalik roon dahil pakiramdam nya ay bumibigat ang kanyang dibdib.

Nakangiting hinalikan ni Sophie ang noo ng binata na hanggang ngayon ay nakahiga parin sa kama ng hospital at nakapikit ang mga mata. Kailan kaya ito magigising.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon