DyosaJadine36>>> He's Awake
It's been six weeks, hindi parin gaanong lumalaki ang tiyan ni Sophie. And it's been six weeks but until now, natutulog parin ang kanyang lalaking pinakamamahal.
She have no choice but to marry him unconscious. Mahal na mahal niya ang lalaki at hindi na sya makapaghintay na pakasalan ito. She's ready to get married.
Natigilan sya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marinig nyang may tumatawag sa kanyang cellphone. Mabilis nyang dinampot ito na nakapatong sa kama ni Dion bago sinagot ang tawag.
"Hello Lola?"
(Apo, kumusta?) tanong nito sa kanya.
Ngumiti sya dahil ramdam nyang masaya ang kanyang Lola. They are both happy.
"Ayos lang po ako Lola"
(Handa kana ba para sa kasal mo?)
"Opo, excited na nga po ako eh"
Nasabi narin nya rito ang tungkol sa kasal na magaganap ngayong araw na ito. Ayaw na nya kasing pakawalan pa ang binata.
(Ganun ba, masaya ako para sayo apo. Pero sana ay tanggap kana talaga ng ina ni Dion)
Bumuntong hininga sya bago ay ngumiti. Hindi sya susuko na pagbatiin ang kanyang Lola at ang ina ni Dipn, as in never.
"Lola, kailan nyo po ba mapapatawad si Tita Esperanza? Nagbago na po talaga sya, tanggap na po nya ako"
(Siguro nga nagbago na sya at natanggap kana nya, pero hindi ibig sabihin niyun ay kakalimutan ko na ang ginawa nya sa magulang mo noon)
"Lola naman, pwede bang kalimutan na natin ang masalimuot na nakaraan?"
(Hindi iyun mangyayari apo)
"Lola" hindi na nya alam ang dapat sabihin, pero it doesn't mean na susuko nalang sya ng basta-basta.
(Alam mo apo, isa sa dahilan kung bakit hindi ako makakapunta sa kasal nyo ngayon ni Dion ay dahil hindi ko kayang tanggapin na mapapangasawa mo ang anak ng taong pumatay sa magulang mo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang tanggapin. Pero mahal kita apo, alam kong mahal na mahal mo si Dion. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay susuportahan kita sa gusto mo. Sana ay maging masaya na kayong dalawa)
"Lola naman, bakit kasi hindi nyo nalang patawarin ang pamilyang Samonte? Masakit para sakin na labag sa kalooban nyo ang pagpapakasal ko kay Dion. Akala ko ba gustong-gusto nyo si Dion para sakin?" naluluha na sya.
(Patawad ako. Sige na, may gagawin pa ako. Tatawagan nalang ulit kita para kumustahin ka sa mga susunod na araw. Paalam apo)
"Hello, Lola?" hindi na nya narinig ang boses nito at tanging putol na linya na lamang.
Napabuntong hininga sya. Ano bang dapat nyang gawin upang mapatawad na ng Lola nya si Tita Esperanza?
"Alam kong hirap na hirap kana sa mga nangyayari ngayon"
Nabigla sya nang marinig ang boses ni Tita Esperanza. Nilingon nya ito, malungkot ito ngunit nakangiti.
"Tita Esperanza"
"Naiintindihan ko kung bakit hindi ako kayang patawarin ng iyong Lola. I killed her son and daughter in law which is your parents. They are innocent pero sila ang pinaghigantihan ko. I can't blame Asuncion if she can't forgive me"
"Tita, ako ang bahala. Magkaka-ayos rin po kayong dalawa"
"Alam mo, hindi mo na kailangan pang pagbatiin kami. Problema ko ito not yours, ayukong mamroblema kapa"
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...