Chapter 1

21.7K 405 12
                                    

Sophie Tehada

"Lumayas kang haliparot ka! Malandi!"

Halos ipagtulakan ng magkapatid ang pinsang si Sophie palabas sa bahay ng mga ito. Pinagbibintangan kasi sya ng mga ito na hinalikan nya ang boyfriend ng pinsan nya, na mariin naman nyang itinanggi.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na mang-agaw ng kasintahan ng iba, lalo higit nobyo pa ng pinsan nya. Isa pa, hindi pa niya prayoridad ang pumasok sa relasyon. Marami pang bagay ang dapat unahin. Kaya imposible ang ibinibintang ng mga ito.

Malamlam ang mga matang tumitig siya sa pinsan niya na nanlilisik naman ang mga mata habang nakikipagtitigan sa kanya. Bakit ba palagi nalang sya nitong pinagmamalditahan at pinagmamalupitan? Wala naman syang ginagawang masama.

Kung tutusin ay ginagawa nya lahat ng gusto nito.

"Hayaan mo akong magpaliwanag, Erika." pakiusap nya.

"Wala kang dapat pang ipaliwanag sakin dahil kitang-kita ko na hinalikan mo si Bryan!"

Ano bang sinasabi nito?

Isa iyung kalokohan, for goodness sake! Masyado pang matino ang pag-iisip nya para halikan ang boyfriend ng pinsan nya, hindi naman sya ganoong klase ng babae na pumapatol sa lalaking may kasintahan na, and worst sa pinsan pa nya.

"Maniwala ka naman sakin, Erika. Hindi ko magagawa ang bagay na ibinibintang mo." depensa niya.

"Tigilan mo ako, malandi ka!"   humarap ito sa kapatid na si Erich na hawak ang kanyang mga gamit.

Mukhang desidido na ito na palayasin sya. Huwag naman sana. Kapag nangyari iyun, wala syang matitirahan at wala syang makukuhanan ng makakain. Nakikitira lang sya sa mga ito. Hindi maaaring paalisin sya ng mga pinsan nya lalo pa't nawalan sya ng trabaho.

"Itapon mo iyang mga walang kwentang gamit na iyan Erich!"   utos ni Erika sa nakababatang kapatid.

Agad namang sinunod ng huli ang nakatatandang kapatid. Itinapon nito lahat ng gamit nya sa kanyang harapan mismo. Her tears started to fall. She can't believe this! Wala naman syang kasalanan eh. Hindi sya malandi at haliparot. Mali ang iniisip nila.

Nilimot nya isa-isa ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Saan na sya titira ngayon?! Kung kailan naman nawalan sya ng trabaho, ay ngayon pa sya pinalayas. Hiyang-hiya na sya sa mga taong nanunuod sa kanila.

Wala naman syang kasalanan eh, biktima lang din naman sya ng gagong boyfriend ni Erika. Sira-ulo iyun, kapag talaga nakita nya ang lalaking iyun ay baka kung ano pa ang mabitawan nyang salita.

"Tara na, Erich!"   iniwan sya ng mga ito sa labas na luhaan.

Tumayo sya at nagsimula na maglakad. Wala sya sa sarili na naglalakad habang yakap-yakap ang kanyang mga gamit. Nagdidilim na, saan kaya sya magpapalipas ng gabi?! Sa lansangan?

"Sophie?" napalingon siya sa lalaking tumawag sa kanya.

Agad na kumunot ang kanyang noo at nakaramdam ng inis at matinding pagkagalit. Si Bryan Rodriguez, ang lalaking ito lang naman ang may kasalanan kung bakit sya pinalayas ng mga pinsan nya.

"Anong kapal ng pagmumukha mo na magpakita pa sakin, Bryan?!"   galit na galit na bulyaw nya.

Lumapit ito sa kanya na para bang hindi napapansin ang talim ng kanyang tingin. Agad nyang sinampal ang magaling na lalaki pagkahinto nito sa kanyang harapan. Kulang pa iyun bilang ganti sa ginawa nito sa kanya.

Dahil sa lalaking ito, isang masamang babae ang tingin sa kanya ng lahat ng tao, dahil sa lalaking ito ay wala na syang matitirahan at dahil sa lalaki na ito, kaya sya umiiyak ng ganito. Ang kapal ng mukha!

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon