Chapter 7 (SPG)

12.7K 298 14
                                    

Controversy cause of Sex

This time nagising si Sophie hindi dahil sa sinag ng araw kundi dahil sa naamoy niya ang masarap na amoy na iyon mula siguro sa pagkaing niluluto ng kung sino man. Nang maimulat niya ang mata ay nakita nya si Dion na nakatayo sa may bukana ng pinto at dala-dala nito ang tray kung saan nakalagay ang pagkain.

Nakangiti itong naglakad palapit sa kinaroroonan niya, nakasuot na ito ng suit at hindi parin nito inaaalis ang apron sa katawan nito. Tiyak na mangangamoy pang-ulam na ang suot nito, pero hindi parin nawawala ang nakaka-akit na amoy ng pabango nito. Just great!

"Breakfast in bed, honey!"   nakangiting bulalas nito.

Halos dalawang buwan na silang ganito pero hindi parin siya nasasanay sa pakikitungo ni Dion sa kanya. Magkatabi sila palagi kung matulog. Tuwing gigising siya, ready na ang breakfast at kakain nalang. And before Dion leave to work, ay humahalik ito sa kanya.

Pag-uwi nito ay palagi niya itong minamasahe, iyon lang naman ang magagawa niya habang nakikitira siya rito at pinakakain nito. Sabay rin silang kumakain sa gabi, bago pa man sila matulog ay magkukwentuhan muna sila o kaya naman ay manunuod ng movies sa TV.

Gabi-gabi silang magkayakap ng binata at kung iisipin ay isa silang tunay na mag-asawa at masayang nagsasama sa iisang bubong. Pero hindi, kontrata lang naman ang dahilan ng lahat ng ito kung bakit narito sila sa sitwasyong wala namang kasiguraduhan.

"Wow, it taste so good!"   bulalas niya nang matikman ang luto nito.

"Of course, I cooked it full of love."   she paused on what he said, pero alam na niya ang sunod nitong sasabihin.

"Kidding."   pahabol nito at tumawa pa.

Alam naman siguro nito na naiilang siya sa tuwing magsasalita ito ng ganoon. Hindi parin malinaw ang lahat-lahat sa kanila kung bakit ang lambing nila sa isa't-isa. Basta ang alam nya lang, hindi pwede mainvolve dito ang LOVE. Hindi naman kasi ito kasama sa kontrata nila.

"Puro ka kalokohan,"   she rolled her eyeballs.

"Then'll be serious, I'll take you seriously."

Gaya ng sabi nito ay nagseryoso nga ang mukha nito at matamang tumitig sa kanya, nakaramdam tuloy siya ng pamumula ng mukha. Napayuko siya, she doesn't want him to see her blushing. But deep inside, kinikilig na siya dahil sa pinaggagagawa ng lalaking ito.

"Namumula ka, honey."   natatawang sabi nito at pilit na inaangat ang kanyang mukha.

"Hindi ah! Ikaw, kung ano-ano nalang napapansin mo. Umalis kana nga!"   asik niya.

"Mamaya na, pinapaalis mo na agad ako. I still want to be with you."   niyakap sya nito nan mahigpit.

Mahahalata mong naglalambing ito. Magsasalita na sana ulit sya nang magring ang phone ni Dion na mabilis naman nitong sinagot. Bahagya itong naglakad palayo sa kanya at kaagad na sinagot ang tawag na mukhang galing sa sekretarya nitong lalaki.

"Aalis kana ba?"   she asked nang matapos ang tawag.

"Yup. My secretary just called me, I have a meeting with the board of directors."   sabi nito na may pagkamot pa ng ulo.

"So ano pang hinihintay mo? Umalis kana."

"Ayaw mo na ba akong makasama?"   ngumuso ito.

"Tsaka kana lumandi, magtrabaho ka muna."

Hindi ito umimik at naglakad palapit sa kanya. Dumukwang ito para maabot ang kanyang mukha at hinalikan siya sa kanyang mga labi sabay takbo nang mabilis palabas ng silid. Last time kasi na ninawakan siya nito ng halik ay sinapak nya ito. At ngayon ay inulit na naman nito.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon