Chapter 2.44; Comatose

4.7K 107 6
                                    

DyosaJadine36>>> Comatose

Pabalagbag na binuksan ng isang may kaedarang babae ang malaking pinto papunta ng sala ng matandang mag-asawang Javier.

Nagulat pa ang matandang mag-asawa nang makita sya. Ilang taon rin itong naging busy dahil sa anak na si Pia.

"Laila, you're back! What are you doing here?" manghang tanong ng napakatandang babae.

Siguro ito ay nasa 95 na taong gulang na at ang asawa naman nito ay nasa 98 taong gulang, pero masasabing napakalakas pa ng mga ito. Siya naman ay nasa 77 taong gulang.

"What I am doing here Corazon? You're asking me why I came back? Well, maghihiganti akong muli sa mga Samonte"

Napasinghap ang mag-asawa dahil sa narinig na sinabi ni Laila. Napakatagal na nung patayin ni Esperanza ang kanilang anak, pero hanggang ngayon ay gusto paring maghiganti ni Laila. Si Laila Ortega ay ang babaeng naging kabit ng ama nina Dion. Si Laila ay ang ina ni Pia Ortega.

Lahat ng naganap noon ay plano nila. Ginamit ni Laila ang sariling anak na si Pia upang paibigin ang binata. Once na mahulog ang loob nito sa anak ay gagawin na nila ang next step. Kokontrolin nila ang kapangyarihan ng mga Samonte at wawasakin ang puso ng anak ni Esperanza na si Dion.

Ngunit hindi sila nagtagumpay. Sa kasamaang palad ay ang anak na si Pia ang nahulog sa binata. Galit si Laila sa sariling anak dahil napaka-rupok nito pagdating sa lalaki. Pero saan ba ito magmamana, kundi sa kanya.

Nang maka-usap nya ang babaeng mahal ng anak ni Esperanza na nagngangalang Sophie ay nangailangan pa nyang magpanggap na concern sa anak na si Pia. Sinabi niyang dadalawin ang anak sa kulungan ngunit hindi nya ginawa.

Galit sya sa sariling anak dahil nasira ang kanyang magandang plano upang makapaghiganti sa mga Samonte. Hindi naman nya mahal si Pia dahil anak nya ito sa ibang lalaki. Tanging si Edgar Javier lamang ang kanyang mahal, ang ama ni Dion.

Kaya nung nalaman nyang pinatay ito ni Esperanza ay nagtangka syang maghiganti. Inuto-uto nya ang dalawang matandang mag-asawang Javier at madali pa nya itong napasunod. Ito ang kanyang ginamit upang makapaghiganti sa mga Samonte. What a brilliant!

Pero ngayon ay nagbabalik sya upang muling sirain ang buhay ng mga Samonte. Alam nya kung anong mga nangyayari sa pamilya ng mga ito. Simula nung magkandaletse-letse ang pamilya nila dahil sa isang babae, ipinagpaliban nya muna ang muling paghihiganti. She's so excited kung anong sunod na mangyayari.

Kilala na nya ang babae. Ito ang anak ng mag-asawang tumulong kay Dexter. Tuwang-tuwa sya na pinaiikot ang mga ito sa isang malaking kasinungalingan.

Pero ngayong lumabas na ang katotohanan, hindi sya makakapayag na maging masaya ang mga ito. Bumalik sya upang tapusin ang larong sinimulan nya.

"Anong balak mo? Tigilan mo na sila" nakakunot noo nyang hinarap ang matandang lalaki na naka-upo sa wheelchair.

"Tila yata nag-iba ang ihip ng hangin tanda? Noon, gustong-gusto nyong maghiganti sa mga Samonte. Eh bakit ngayon pinatitigil nyo ako sa plano ko?" nakangisi nyang tanong rito.

"Hindi mo na kami maloloko ngayon Laila. Alam kong ginamit mo lang  kami noon upang maghiganti sa kanila. Napagtanto naming hindi dapat namin pinatay ang aming apo na si Dexter. Apo namin sya at mahal na mahal sya ng anak kong si Edgar"

Humalakhak sya bago ay ngumisi. Umikot-ikot siya sa dalawang matanda.

"Huli na ang lahat mga tanda, nakapatay na kayo. At apo nyo pa ang napatay nyo. Hahaha, ngayong mga uugod-ugod na kayo ay hindi nyo na ako mapipigilan pa sa plano ko"

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon