Chapter 6

12.8K 315 10
                                    

Uncertain Feelings

Dalawang araw na ang nakakalipas buhat ng muntik nang may mangyari kay Sophie at Dion. Dalawang araw nya naring iniiwasan at tinataguan ang binata.

Sa tuwing magkakasalubong sila, nagmamadali siyang lalayo rito o kaya naman ay magdadahilan. Tanghali sya gumigising para makasigurado na wala na ito sa mansion paggising nya. Tuwing gabi naman ay maaga siyang kumakain at ilolock ang pinto ng kwarto.

"Ma'am Sophie aalis narin po kami,"   paalam ni Manang Coring sa kanya.

Matagal na niyang hiningi ang number ng matanda kay Dion, at tinawagan nya ito kanina para magpatulong sa paglilinis ng mansion. She can do houseworks pero hindi niya kakayaning linisin ang mansion ni Dion ng mag-isa dahil sa sobrang laki at lawak nito.

Dion is so blessed to have this wealth of him, pero mukha namang pinagkaitan ito ng isang masayang pamilya. Kung hindi pa siya dumating sa buhay nito ay tiyak na mag-isa lang ito palagi sa mansion na ito. Walang kausap, walang kasama at walang mapagsasabihan ng problema. What a lonely.

"Sige Manang ingat po kayo."   ngumiti na lamang ito sa kanya at iniwan siya sa kusina.

She sighed, mag-isa na naman siya. Hanggang sa sumapit ang gabi ay mag-isa siya.

Kasalukuyang nagluluto ng dinner si Sophie. Mga 6:30 PM palang pero kailangan na niya agad makapagluto at makakain bago pa siya maabutan ni Dion.

"Sabi ko na maaabutan kita."   natigil siya sa kanyang ginagawa nang marinig ang baritonong boses ni Dion.

Shit anong ginagawa nito dito nang ganito kaaga? Agad niyang pinatay ang stove at hinubad ang suot na apron. Palabas na sana sya ng kusina nang hawakan sya nito sa braso at pinaharap rito.

"Stop avoiding me Sophie! You told me that if I'm sincere and serious to you, I have to prove it. How can I prove it if you're always avoiding me?!"

"H-hindi ako umiiwas. Mahirap lang talaga ako hagilapin eh."

"Hwag mo akong lokohin Sophie, please stop avoiding me."

"I said I'm not avoiding you! We're just busy."   sagot niya sabay higit sa kanyang braso.

"Busy ka saan?"   iritado nitong tanong.

She rolled her eyeballs before grinning secretly. Kung naiinis na ito sa kanya ay ganoon rin naman sya rito. Una palang ay buwiset na buwiset na sya sa lalaking ito, so bakit hindi nya ito asarin?

"To tell you the truth, abala ako sa mga lalaking nakakatext ko. Madami akong nakilalang lalaki nung namasyal tayo sa Mall."   inangat nito sa ere ang kanang kamay nito, tila pagbubuhatan siya ng kamay.

"Are you going to hurt me again? Do it Dion! Diyan ka naman magaling, ang manakit ng babae!"   bulyaw nya.

Natigilan ito sa nais nitong gawin sa kanya, nang matauhan ay unti-unti nitong ibinababa ang kamay na muntik nang lumapat sa kanyang kaliwang pisngi.

"Give me your phone, Sophie."   she frowned nang ilahad nito ang kamay sa harap niya as if asking for her phone.

Well, hinihingi naman talaga nito.

"Why, what are you going to do?"

"Just give me your phone!"

"Hindi ko ibibigay ang phone ko hangga't hindi mo sinasabi sakin ang dahilan."

"I said give me your phone! Ibigay mo nalang sakin ang hinihingi ko kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto ko nang buong magdamag!"   mataas na ang tono ng boses nito, palatandaan na galit na talaga ito.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon