Chapter 19; Pag-aalaga

5.3K 126 16
                                    

DyosaJadine36>>> Pag-aalaga

[Francesca Point Of View]

"Hey Dion, umuwi kana muna kaya? Magpahinga ka. Isang linggo kanang nandito sa Hospital at hindi umaalis. Nandito naman kaming mga kaibigan nyo tsaka kamag-anak ni Sophie eh!" saad ko tsaka hinawakan ang kamay ni Julius.

Oo tama kayo sa iniisip nyo. Isang linggo na nandito si Sophie at nakahiga sa hospital bed, at hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising.

"No! Dito lang ako, kailangan ako ngayon ni Sophie"

"Pero kailangan mong magpahinga. Paano kapag nagkasakit ka nyan boss? Sinong mag-aalaga kay Sophie kapag may sakit karin?" sabad naman ni Kevin.

"Kaya kong alagaan ang sarili ko. Basta dito lang ako sa tabi nya-----"

"Pwede ba?! Hwag kang magmatigas dyan Samonte! Bago mo alagaan ang pinsan ko, alagaan mo muna ang sarili mo. Dahil kapag ganyan ka, baka mas mapahamak lang si Sophie" inis na bulyaw ni Isko.

Oo, nandito sina Kuya Isko. Kasama sina Domina, Biboy, Lola Asuncion maging sina Erika, Erich at Bryan.

"Kumalma ka Isko! Dion, ihoj! Mabuti pa ngang umuwi kana muna sa inyo. Maligo ka at matulog ng mahimbing tsaka kana bumalik dito. Kami na ang bahala sa apo ko" mahinahon na sabi ni Lola Asuncion na ikinabuntong hininga ni Dion.

"Sige po. Babalik ako dito mamayang gabi"

Tumayo na ito tsaka nagmano kay Lola Asuncion bago ito nagpaalam samin tsaka lumabas.

"Sophie, apo! Gumising kana dyan. Siguro maganda ang panaginip mo kaya ayaw mo pang magising. Pero gumising kana, miss kana namin lalo na ng lalaking mahal na mahal ka na si Dion" pagka-usap ni Lola Asuncion kay Sophie na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising.

"Oo nga pinsan! Sige na, gumising kana. Pangako ko sayo, tatanggapin ko na iyang Samonte na iyan kapag nagisng ka" sabad naman ni Isko.

Kung ganun ay hindi pala talaga nito tanggap si Dion para sa pinsan nyang si Sophie. Pero bakit naman kaya?!

"Huy Sophie! Bumangon kana dyan. Oo palagi tayong nag-aaway at halos magkaroon na ng world war 3. Pero may pakialam parin naman ako sayo kasi nagkasama rin naman tayo ng matagal. You have to wake up dahil magsasabunutan pa tayo at magsasampalan after mong makapanganak! Kaya gumising kana dyan!" marami sa amin ang natawa sa sinabi ni Erika.

Iyun talaga ang lumabas sa bibig nya? Pero buti naman at kahit papaano ay may bait rin itong tinataglay.

Buti naman at kahit papaano ay nag-aalala parin ito kay Sophie. Siguro ay mabait talaga ito, kundi lang sa isang lalaki... Baka hindi sila nagka-away ni Sophie.

"Napakaswerte ni Sophie sa fiancee nya" nakangiting saad ni Lola Asuncion kaya napangiti narin kami.

Pareho lang naman silang maswerte sa isa't-isa. Maswerte si Dion kasi nakilala nya si Sophie. At maswerte rin naman si Sophie kasi nakilala nya si Dion.

"Maswerte? Lola, hindi swerte si Sophie duon sa Dion na iyun! Masasaktan lang si Sophie sa bandang huli, maghihiwalay rin ang dalawa. Tiyak na malapit na iyung mangyari, pagdating nung Esperanza na iyun!" napangunot bigla ang aking noo.

Ano bang sinasabi nito? Kilala nya ang ina ni Dion?! Tsaka ano iyung sinasabi nyang maghihiwalay? May hindi tama sa mga sinasabi nito.

"Manahimik ka Isko!" pabulong na saad ng matanda.

"What do you mean maghihiwalay si Dion at Sophie pagdating ni Tita Esperanza? May nalalaman ba kayo na hindi namin alam?" tanong ko.

"Ah wala ihaj! Kumain na ba kayo?" tila iniiwasan ni Lola Asuncion ang bagay na binaggit ni Isko.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon