Chapter 17; Kidnapped

5.5K 134 3
                                    

DyosaJadine36>>> Kidnapped

"Honey, are you alright?" tanong ni Dion at yumakap pa ito mula sa likod ko.

Tumango lang ako ng bahagya bilang sagot. Ang totoo nyan, masama ang pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko kasi talaga makalimutan ang nangyari two days ago. Hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Dion ang tungkol sa lalaking nakausap namin sa CR.

Ayaw ko kasing mag-alala ito. Ang balita ko ay may kaunting problema sa kumpanya nito. Ayaw kong makadagdag pa sa pinoproblema nya.

"May sakit kaba? Bakit namumutla ka?" napakunot ang aking noo dahil sa sinabi nito.

Binitawan ko ang hawak kong sponge at plato na pinagkainan namin ng dinner kanina lang tsaka hinubad ang suot na gloves bago humarap sa kanya.

"Ako namumutla?"

"Yes, you look so haggard and depress!"

"Ganun ba? Siguro kailangan ko lang na maligo. Ang init kasi dito sa loob ng mansion eh dahil sa tinding init ng panahon. Maliligo nalang ako para mabawasan iyung init sa katawan ko" pagdadahilan ko nalang dito.

"Are you sure?! Para kasing hindi lang iyan dahil sa init ng panahon. May nararamdaman kabang hindi maganda? May masakit ba sayo?"

"Ah wala! Wala naman"

Tinalikuran ko na ito tsaka iniwan sa kusina. Mabilis akong nagtungo sa kwarto namin.

Siguro nga ay dapat maligo ako. Baka mabawas-bawasan iyung sama ng pakiramdam ko.

Mabilis kong kinuha ang aking mga susuotin saking closet bago tuluyang pumasok sa banyo.

Medyo nahihirapan ako kumilos dahil medyo sumasakit ang tiyan ko. Sa tingin ko ay nahihirapan din ang babies ko.

Sorry mga anak. Hindi ko lang talaga makalimutan ang lalaking mukhang may balak na masama sa buhay natin.

"Sophie, gusto mo paliguan na kita? Mukhang hindi ka talaga ok. Gusto mo bang tulungan na kita? Don't worry, magtitiis naman ako eh"

Tila nabawasan ang takot at kaba ko ng dahil kay Dion. I'm so thankful sa kanya, thanks to him.

"Pero kasi, malaki na ang tiyan ko Dion. Halos maglilimang buwan na ito!"

"So? Don't worry, hindi ko lalaitin iyang tiyan mo. Anak kaya natin ang nasa loob ng sinapupunan mo. Isa pa, buntis kaman o hindi... Kung malaki ang tiyan mo, walang pagbabago mahal parin kita"

Mas lumaki ang ngiti ko saking labi. Nakakakilig ang sinasabi nito. Nakakagaan din ng loob.

"Are you sure? Baka maalibarbaran kalang kapag nakita mo itong tiyan ko"

"Nope honey. C'mmon, paliliguan na kita para naman makapagpahinga kana"

"Salamat Dion!"

"I love you honey"

"I love you too, Dion. I love you forever and ever honey"

"Ano bang kailangan mo sakin ng baby ko?!" naluluha kong tanong sa lalaking kanina pa ako sinusundan.

Sya iyung lalaking nakasalamuha namin sa Mall. Iyung lalaking stalker ko. Hindi nya ba talaga ako titigilan?

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon