Chapter 2.38; Camping Tragedy 2

3.8K 99 4
                                    

DyosaJadine36>>> Camping Tragedy 2

Maaga palang ay gising na kaming lahat, mapabata man o matanda. Gagawin na kasi namin ang first activity ng mga batang kasama namin ngayon.

Sa totoo lang ay wala akong idea kung para saan ba ang camping na ito, pero wala naman akong magagawa kundi ang sumama nalang dahil tungkulin ko ito at para narin makasama ang aking mga anak.

"Good morning kids!" nakangiting pagbati ni Sir. Anton sa mga batang nasa harapan namin.

Si Anton ay nakilala ko lang nung nakaraang araw. Gwapo ito at talaga namang mabait ito. Sa maiksing panahon ay naging close kami at naging magkaibigan kaya hayan, palagi itong dikit ng dikit sakin. Ako lang kasi ang kinaibigan nito dahil pareho lang naman kaming bagong guro sa paaralang pinapasukan ng mga anak ko.

"Ok so Teacher Sophie and I will explain to you kung ano ba ang gagawin natin ok ba?" mahinahong tanong pa ni Sir. Anton sa mga bata bago nakangiting lumingon sa akin.

"Opo!" sagot ng mga bata.

Tumikim ako bilang paghahanda, ako kasi ang magpapaliwanag sa mga bata kung anong gagawin.

"Ok so ang una nating gagawin ay ang larong complete the lyrics" nakangiti kong saad sa mga ito.

Kinulbit pa ako ni Sir. Anton bago nag sign na kaya ko daw ito. Nginitian ko lamang ito, bahagya ko pang nahagip ang mga nakakamatay na tingin ni Dion sa aming dalawa ni Sir. Anton pero binalewa ko iyun at bumaling sa mga kabataan.

"Ok, makinig kayong mabuti kids para alam nyo ang gagawin. So kailangan nyong dumaan sa malalaking gulong na nasa lupa, sunod ay gagapang kayo sa putikan at hahanapin ang papel na nakalagay sa kahon at ang papel na iyun ay naglalaman ng dalawang stanza ng kanta. Next, ay lalambitin kayo sa mga baging na nakasabit sa puno upang hindi kayo mabasa ng tubig. Isa pa kids, may nakataling kahon sa ilang mga baging at kailangan nyo iyung makuha. And lastly, kapag nakaapak na kayo sa lupa ay may makikita kayong mga ribbon. Sa ilalim ng lupa kung saan nakalapag ang ribon ay kailangan nyong hukayin ang lupa dahil sa ilalim ay nakatago ang huling kahon. Then pagsusunod-sunurin nyo ang bawat stanza ng kanta at iwawagayway nyo ang ribbon na nakita nyo at kakantahin ang kanta. Kung sino ang unang makakagawa nun ay magkakamit ng premyo" nakangiti kong paliwanag sa mga ito.

"So ano kids, naiintindihan nyo ba?" nakangiting tanong ni Sir. Anton at hinawakan pa ang aking balikat.

"Opo!" napangiti ako nang mapansing excited na ang mga bata.

"Pero kids, kailan nyo muna makahanap ng kagrupo nyo. Tatlo lang dapat kayo sa grupo at kayo ang magtutulungan. So we will give you five minutes para humanap ng members nyo. And the time starts now"

Nakangiting nagpaalam ako kay Sir. Anton bago nagtatakbong lumapit saking tatlong pinakamamahal na anak, mukhang pinalalakas ni Dion ang kanilang mga loob.

"Mommy Sophie, I think I can't make it. Si Kuya Sean nalang po at Kuya Sage ang sasali sa activity" nakapout na sabi ni Xeldre nang makalapit ako sa kanila.

"Me too!" malungkot na saad ng dalawa.

Nginitian ko ang mga ito bago lumuhod upang mapantayan silang tatlo. Kailangan lang nila ng supportive parents.

"Kids, I don't believe that the three of you can't make it. Malaki ang tiwala ko sa inyong tatlo na magwawagi kayo. Pero kung hindi man kayo manalo, at least you tried your best!"

"Your Mommy Sophie is right. For us, the three of you are the winners kahit hindi kayo manalo sa activity nyo. Right Sophie?" nakangiting turan ni Dion that melted my frozen heart.

Nakaluhod ito sa harap ng mga bata, magkatabi kami at nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang isang mainit ngunit napakalambot na kamay ni Dion.

Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. He's holding my hand and he's melting me by his gaze.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon