DyosaJadine36>>> Away
[Sophie's Point Of View]
"Good morning Dion!" bati ko saking pinakamamahal na lalaki pagpasok ko ng guest room.
Nagtataka nga ako paggsising ko kaninang madaling araw. Hindi natulog si Dion sa tabi ko, sa halip ay dito sya natulog.
Naisip ko nalang na baka lasing lang ito at kung saan na inabutan ng pagka-antok. Wala naman kaming pinagtalunan ah? Diba?
Tumayo ito at hindi man lang ako pinansin. May problema ba?
"Dion, ok kalang ba?" tanong ko sa kanya pero wala syang sagot.
Nakakalungkot at nakakapagtaka naman ang mga ikinikilos nito! Ano bang problema nya?! Hindi kasi ako sanay.
"Dion may problema ba-----"
"Pwede ba Sophie?! I'm not in the mood! Duon ka muna sa labas! May meeting ako at kung maaari hwag mo muna akong isturbuhin. Palagi akong nale-late sa trabaho ko ng dahil sayo eh!" bigla nalang tumulo iyung luha ko.
For the first time, sinabihan ako ng ganyang salita ni Dion. Babalik na ba sya pagiging isa niyang beast? But why? Anong dahilan nya?
"Hey stop crying in front of me! Just leave me alone. May problema lang ako!" mahinahon nitong sabi tsaka ako tinalikuran.
Problema? Eh bakit hindi nya sakin sabihin? Dapat nagtutulungan kaming dalawa!
"Dion, I'm your fiancee. Dapat nagtutulungan tayo. Now, tell me what's the problem is. Susubukan kong makatu------"
"Hindi ka makakatulong Sophie! Wala kang magagawa, dagdag problema kalang kapag nakialam kapa!" sabi nito na syang mas lalong nagpa-iyak sakin.
Pinanuod ko lang ito na kumuha ng mga damit nya. Ano bang nangyayari sa kanya?!
"Lalabas na ako" paalam ko tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako saming sariling kwarto at duon umiyak ng umiyak. Ano bang nangyayari kay Dion? Ayos naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa kahapon, pero ngayon... Anong nangyari?!
"Ate Sophie?" napalingon ako sa lalaking tumawag saking pangalan. Si Dean pala.
"Why are you crying Ate Sophie?" tanong nito tsaka lumapit sakin at tinabihan ako.
"Nothing!" tanging naisagot ko nalang sa kanya tsaka mabilis na pinunasan ang aking mga luha.
"Tell me what is happening Ate Sophie, magaling ako sa mga ganito!"
"Ano kaba, hwag mo na nga akong intindihin. Ayos lang ako"
"Siguro nag-away kayo ni Kuya Dion ano?"
"Paano mo nalaman?"
"Napansin ko kaninang madaling araw na magka-iba kayo ng kwarto na tinulugan Ate!"
"Hindi naman talaga kami nag-away ng Kuya Dion mo, Dean. Ewan ko nga kung bakit bigla nalang naging cold sakin ang Kuya mo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi sya sakin tumabi sa pagtulog kagabi!"
I started to cry. Hindi ko kasi maiwasan ang masaktan ng sobra. Palagi kaming sweet ni Dion, at never nyang ipinakita sakin ang ganuong klase ng pakikitungo. Kailanman.
"Ano bang kasalanan ko sa kanya? Sa pagkakatanda ko ay wala naman!"
"Shhhhh! Tahan na Ate. Maybe problemado lang si Kuya. Kapag may problem si Kuya Dion, ayaw nyang ipaalam kahit kanino man. Ayaw nya kasing mag-alala iyung taong mahal na mahal nya!"
"Pero magiging mag-asawa na kami pagdating ng araw! Dapat nagtutulungan kami sa lahat ng bagay!"
"Iyan ang dapat nyong pag-usapan Ate!" sabi pa nito tsaka ako niyakap.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...