Chapter 3

594 20 2
                                    

Three

Akward!

Yan yung ang pakiramdam ko ngayon habang nakaupo dito sa upuan.Pinipilit kong huwag tumingin sa gawi ni Alexius na ngayon ay kausap ng mga tita ko at ni mama at papa.

"Iho,Alexius this is your cousin,Anika." pakilala ni papa sa aming dalawa ni Alexius.Nahihiya akong tumingin sa kanya at pilit na iwinawaksi ang makasalanan naming nagawa.

"Hi,Anika." aning baritonong boses nito.Nakatingin ako sa kanya at hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil blanko lang ito.

"H-Hello.." kiming sabi ko na hindi magawang tumingin sa kanya.Paano ko nga ba siya pakikiharapan.

Nagulat ako ng bigla nya akong higitin at yakapin.Inilapit pa nito ang bibig niya sa tenga ko at bigla akong nag-panic dahil sa ginawa niya.

"So..Pinsan pala kita?..Anika." usal nito.

Mabilis kong inilayo ang katawan ko sa kanya.Tumingin agad ako sa paligid lalo na sa kamag-anak namin at naka hinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi sila nag-dududa sa ginawang pagyakap ni Alexius sa akin.Mukhang natutuwa pa nga ang mga ito dahil tingin nila ay nagkakasundo kami ni Alexius.

Kung malaman lang nilang nag-halikan kami ni Alexius ay baka isumpa nila kami kaagad.

Bwisit na katangahan kong ito.Hindi ko alam na sya yung pinsan ko.Pagbaling ko kay Alexius ay mukhang relax lang ito at parang wala lang ang nangyari.

God! First kiss ko ang pinsan ko.

"I'm glad na kumpleto na din tayong mag-pipinsan." nakangiting bati ni Selene at ng lumapit kay Alexius ay humalik ito sa pisngi.

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanila,ewan bigla akong nairita.

"Yeah..May dahilan na ako para manatili dito.." sabi ni Alexius habang nakatingin sa akin.

Ako ba ang tinutukoy nyang dahilan?Nakakabaliw naman ang araw na ito.

Lumapit din sa amin sina kuya Caiden at Calum na nakipag-apiran pa kay Alexius.Si Cloe naman ay yumakap at humalik sa pisngi nito.Bakit pag ang mga pinsan kong babae ang lumalapit kay Alexius ay walang halong malisya?

O baka ako lang ang nagiging praning dahil nga nahalikan ako ng pinsan ko?Tsk!

Ng may dumaang waiter na may dalang mga baso na may lamang wine ay mabilis akong kumuha ng isa.Pag-kakuha ko ay agad ko itong tinungga ng isang lagukan lang.Nawala sa isip ko na hindi pa nga pala ako nakakaranas na uminom ng alak.

Bigla akong nasamid ng gumuhit ang mahapding pakiramdam sa lalamunan ko.Umubo-ubo ako dahil hindi ko makayanan ang lasa ng wine.May naramdaman akong humahagod sa likod ko at ng malamang kong si Alexius ito ay parang napapaso akong lumayo ng bahagya sa kanya.

"Anika,bakit uminom ka?Alam mo namang hindi ka pa nakakaranas uminom ng alak." sermon ni kuya Caiden sa akin.Siya na ngayon ang humahagod sa likod ko.Napangiwi ako dahil duon at ng magtama ang paningin namin ni Alexius ay lapat na lapat ang labi nito habang nag-iigtingan ang panga.Masama ang tingin nito sa akin especially sa kamay ni Kuya Caiden na ngayon ay nakahawak sa braso ko.

"Pasensya na kuya,ok na po ako." usal ko at saka ako binitawan ni Kuya Caiden.


Di ko maintindihan kung bakit ganun siya makatingin.Nakakailang sa totoo lang.At nung hawak nya ako kanina,pakiramdam ko ay may spark?

Napag-pasyahan nina kuya Caiden na humiwalay kaming mag-pipinsan ng mesa sa mga bisita.Nandito kami ngayon sa tabi ng pool sa kaliwang bahagi ng resort at tanging kami lang ang tao dito.Katatapos lang ayusin ng mga staff ang mesa at nag-lagay sila ng makakain at maiinom.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon