Chapter 8

483 14 0
                                    

Eight

"Halika na Anika." sabi sa akin ni Cloe.Kasama niya sa kotse si Calum na nakaupo sa driver seats.

Sumipol si Calum pagkakita sa akin at saka ngumisi.Pinagtaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Ang ganda talaga ng pinsan ko." sabi ni Calum.

"Malamang nasa lahi natin yun Calum." sagot ni Cloe at inirapan din si Calum.

Sa likod kami sumakay ni Cloe at pagkapasok namin ay nakasimangot si Calum na nakatingin sa amin.

"What?" mataray na saad ni Cloe.

"Seriously?Driver nyo 'ko at dalawa kayong nakaupo dyan sa likod?" asar na tanong ni Calum.

"La kang pake,Calum..Mag-drive ka na lang." binara siya ni Cloe.Napangisi ako dahil walang nagawa si Calum kundi ang mag-drive na lang.

Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag na dala ko at nagtype ng text para kay Alexius.

Me :

Babe,wag mo na akong sunduin sa bahay.Kasabay ko na sina Cloe at Calum.

Napatingin ako kay Cloe na nakatingin pala sa akin.Napalunok ako at pasimpleng inilagay sa gilid ang cellphone ko.Nakahinga ako ng maluwag ng mag-usap sila ni Calum kaya nawala ang atensyon niya sa akin.Tumunog muli ang cellphone ko at pasimple akong tumingin kay Cloe at ng makita kong na kay Calum ang atensyon nito ay mabilis kong tinignan ang cellphone ko at tama nga ang hinala ko na si Alexius ang nagtext.

Alexius :

Ganun ba?Ingat kayo babe.Sa venue na ako didiretso.Hintayin na lang kita.I love you.

Me :

I love you too.

Muntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko ng makita ko ang mapanuring tingin ni Cloe.Titig na titig ito sa akin na tila inaarok ang katauhan ko.Ilang beses akong napalunok. At halos himatayin ako sa tanong niya.

Bistado na ba kami?!

"May boyfriend ka na,Anika?" seryosong sabi ni Cloe.Mahina lang ang pagkakasabi nito at alam kong hindi iyon narinig ni Calum.

Nanginig ang kalamnan ko at pasalamat na lang ako na nakaupo ako ngayon dahil kung hindi ay baka bumigay ang tuhod ko sa panghihina.

"C-cloe..W-wala.." usal ko alam kong halata niyang nag-sisinungaling ako,pero wala akong pakealam.

"Siguraduhin mo lang.Alam mo namang kapag nalaman nina kuya Caiden at Calum na may boyfriend ka ha-huntingin nila ang lalaking yun.Lalo na si Alexius na sobrang protective sayo.Alam mo naman kung paano nila tayo protectahan,lalo na sa'yo dahil ikaw ang pinakabunso sa atin." mahabang sabi nito.

"Y-yes.." sagot ko. Hindi na nya muli ako tinignan kaya natahimik na din ako.

Pag-malaman nilang si Alexius ang boyfriend ko malamang magagalit sila.Protective si Alexius sa akin hindi dahil pinsan niya ako.Kaya siya ganun ay dahil mahal niya ako at nag-seselos siya sa ibang lalaki.

Dumating kami sa venue na puro ingay ang sumalubong sa amin.Hindi ako sanay sa ganitong kasiyahan pero dahil kay Selene hindi pwedeng hindi ako pumunta.Mag-kasabay kaming tatlo nina Cloe at Calum na pumasok sa loob.

Dumiretso kami sa mesa nina Selene at halos maningkit ang mata ko at mag-dikit ang kilay ko sa nabungaran ko.Si Alexius ay katabi ni Lena the slut.Nakaangkla ang kamay nito sa braso ni Alexius.Nakikita kong ilang beses ng inaalis ni Alexius ang kamay ni Lena sa kanya pero ang haliparot ay ibinabalik pa din ang pagkakakapit sa braso nito.

Kung hindi lang kami mahuhuli baka sinampal,sinambunutan at kinaladkad ko na yang Lena the slut na iyan.

"Guys!Buti naman ay nakarating na kayo." bati ni Selene pagkakita sa amin.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon