Twenty-four
Nagising ako na puting kisame ang unang nabungaran ko.
Nasapo ko ang aking noo at bumuntong-hininga.
Nasa ospital na naman ako.
Bumukas ang pintuan at napatingin ako duon.Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Larence.May dala itong plastic na may tatak ng isang fast food chain.
"Hi.." he greeted.
I nooded at bumaling sa bintana.Di ko makayang salubingin ang mata niya dahil pakiramdam ko ay inuusig ako nito.I sighed.
"Pwede na ba akong makauwe?" tanong ko.
Nag-angat ito ng tingin at tumango.
"Yes..Pwede ka ng umuwi sabi ng doctor.Iwasan mo daw ang stress." sabi nito.
Again,naospital na naman ako ng walang nakakaalam na myembero ng pamilya ko.
Inihatid ako ni Larence sa bahay.Gusto pa sana nitong samahan ako pero tumanggi ako.Masyado na akong nakakaabala sa kanya.Matapos kong magpasalamat ay pumasok ako sa loob ng bahay.
Medyo nanghihina pa ako pero ayokong tumagal sa loob ng ospital.Pakiramdam ko ay nasasakal ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong chineck ang phone ko.Ganun na lamang ang pagkadismaya ko ng wala man lang ni isang text na galing kay Alexius.
Pakiramdam ko ay humahapdi ang mata ko at di ko na napigilan ang pag-iyak.Pakiramdam ko ang hinang-hina na ako sa mga nangyayari.
Bago pa ako makapag-isip ng maayos ay tinatawagan ko na ang number ni Alexius.Gustong-gusto ko syang makausap.Gusto kong mag-sumbong sa kanya.Gusto ko syang makasama.Siya lang ang kailangan ko ngayon.
Ilang beses na nag-ring ang phone nya,ilang beses ko siyang tinatawagan ngunit hindi nya ito sinasagot.Ilang text na din ang pinapadala ko ngunit ni isa man sa mga ito ay walang reply.
Nabuhayan ako ng loob ng sa wakas ay sagutin din niya ang tawag ko.
I cleared my throat.
"H-hello.." Pilit kong itinatago ang kaba sa boses ko.
Ngunit ganun na lamang ang pagkaguho ng mundo ko ng boses ng babae ang sumagot.
"Hello sino 'to?" tanong ng babae.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at pigil ang aking hininga.Humigpit ang hawak ko sa phone ko ng marinig ko ang boses ni Alexius sa background.
Hindi na ako nagsalita pang muli at pinatay ko na ang tawag.Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.
Hindi ako nag-iisip dapat ng kung anu-ano.Baka nagkataon lang na may sumagot ng tawag ko at busy lang si Alexius.
Alam kong di nya ako magagawang lokohin at saktan dahil mahal nya ako.
Kusang tumulo ang luha ko at sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.
Sabi nya mahal nya ako kaya alam kong di nya ako sasaktan at lolokohin.Halos humagulgol na ako sa sakit ng nararamdaman ko.
Ilang oras din akong umiiyak.Na tila sa bawat pagluha ko ay maiibsan man lang ang hapdi na nararamdaman ko sa puso ko.Bakit ba nangyayari ang bagay na ito sa akin?
Am I that bad?Ito ba ang parusa ko sa pagmamahal ko kay Alexius?Ito ba ang kapalit ng pagiging makasalanan ko?
Why?
Ito ang mga katanungang lumulukob sa akin hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam.Napatingin ako sa phone ko na kanina pa tumutunog.Walang buhay ko itong kinuha at di na nag-abalang tignan pa kung sino ang tunatawag.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Novela JuvenilHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...