Thirty-seven
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tunog ng tubig.
Parang alon ata?
Alon?
Bigla akong napadilat sa reyalisasyong iyon.Luminga-linga ako sa paligid at bumungad sa akin ang isang di pamilyar na silid.Maaliwalas at malaki ang silid na kinalalagyan ko.Bukas ang bintana at pumapasok ang hangin sa loob,gayon din ang sinag ng araw.Nililipad ang puting kurtina at rinig na rinig ang malakas na hampas ng alon.
Gusto ko mang ipagpatuloy ang aking pagkamangha ay agad akong bumalik sa huwisyo dahil sa naalala ko bigla ang nangyari kagabi.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.Wala sa sariling kinapa ko ang aking tiyan.Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman ba akong masakit sa parte ng katawan ko.
Ilang minuto din akong nakiramdam ngunit nagtaka ako na normal lang ang lahat.Ni wala akong naramdamang kirot man lang.
Kailangan kong malaman kung nasaan ako at ano ba talaga ang nangyari kagabi.Ang huling natatandaan ko lang ay ang pagdating ng tatlong lalaki na nakasuot ng puting lab gown at ang dalawa sa kanila ay hinawakan ako sa kamay.Habang ang isa ay may itinurok sa aking gamot.
"Shit!" Usal ko ng mapagtanto na kaya ako nawalan ng malay ay dahil sa gamot na iyon.
Nakayapak akong dahan-dahang bumaba sa kama.Kahit kinakabahan ako ay naglakas-loob pa din akong lumapit sa pinto at dahan-dahan itong binuksan.Luminga-linga muna ako sa paligid upang masigurong wala ngang tao.Nang wala akong makitang tao ay mabilis akong lumabas ng kwarto.Hanggang sa umabot ako sa main door.Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan.
Tumambad sa akin ang malakas na hangin at kulay puting buhangin.Mas malakas ang tunog ng alon ng dagat.Maingat akong lumabas sa pinto.Sa di kalayuan ay may nakita akong nakaparadang hindi pamilyar na sasakyan.
Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba kong buhok.Damang-dama ng paa ko ang mga pinong buhangin sa aking talampakan.Papasikat pa lang ang araw kaya medyo malamig ang hampas ng hangin sa aking balat.Naglakad ako papalapit sa basang buhangin na inaabot ng dagat.Hinayaan kong mabasa ng tubig ang aking paa.
Naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari.Sigurado ako na nasa tiyan ko pa din ang anak ko.Paanong nangyari iyon?Pero masaya ako dahil walang nangyaring masama sa anak ko.Hinimas ko ang aking tiyan at tumanaw sa karagatan.Wala akong nakikitang malapit na bahay dito.
Nagpasya akong maglakad-lakad dito sa gilid ng basang buhangin.Nalilibang na ako sa paglalakad ng may mamataan akong pigura na nakatayo sa di kalayuan.Nakatayo ito habang matiim na nakatitig sa akin.
Agad na nagrigundon ang puso ko.Kagat-labi kong pinigilan ang sarili ko na tumulo ang luha ko.One week na hindi ko siya nakita ay parang impyerno na ang buhay ko.
"A-alexius....." sambit ko sa pangalan niya.
Nanatili itong nakatingin sa akin.Pinasadahan ang buo kong katawan na para bang minememorya ang buo kong pagkatao.Wala ni isa man sa amin ang nagtangkang gumalaw man lang.Natatakot akong gumalaw dahil baka namamalikmata lang ako o kaya ay panaginip lamang ito.
Mula sa kinatatayuan ko ay nagawa ko din siyang pasadahan ng tingin.Ang mga mata nito ay matiim na nakatingin sa akin.Nililipad din ang buhok nito.Napakakisig nito kahit simple lamang ang suot.Ang dalawang kamay nito ay nakasuot sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.Ngayong malaya ko siyang napagmamasdan ay lalong nagwawala ang tibok ng puso ko.
Is it possible na mahulog ka sa isang tao ng paulit-ulit? Right now iyon ang nararamdaman ko.
Sinubukan kong pumikit at dumilat muli upang siguraduhin na hindi nga siya panaginip.Sa pagdilat ng mata ko ay ganun na lamang ang aking tuwa na hindi siya naglaho.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...