Chapter 30

438 11 1
                                    


Thirty

Kulay puti.

Iyon ang nabungaran ko pagdilat ng mata ko.Iaangat ko sana ang kamay ko pero nagulat ako ng may nakahawak dito.

Lumamlam ang mata ko ng makita ko si Alexius na nakadukdok sa gilid ng higaan ko ang ulo habang nakahawak ang kamay niya sa kamay ko ng mahigpit.Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at marahan kong hinaplos ang buhok niya.

Miss na miss ko siya..

Naalimpungatan ito at dahan-dahang nag-angat ng ulo.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko na halos nangingitim na ang ilalim ng mata nito.Ngayon ko lang din napagmasdang maayos ang itsura niya.Bahagya siyang nangayayat at gulu-gulo ang buhok niya.Mukhang pinababayaan nito ang kanyang sarili.Pero hindi pa din nabawasan ang kagwapuhan nito.

"H-hi.." I awkwardly said.

Pinigilan kong matawa dahil sa inaasal niya.Parang saka lamang ito bumalik sa huwisyo ng magsalita ako.Sandaling nanlaki ang mata nya at mabilis na hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at mabilis na tayo.Saka niya isinubsob ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako.

Sasawayin ko sana siya ng bigla akong matigilan.Yumuyugyog ang balikat nito at may naramdaman akong basa sa may bandang leeg ko.

"I-i'm sorry.." Basag ang boses na sabi nito..

Umiiyak siya.

"A-alexius.." mahinang usal ko.Inilagay ko ang kamay ko sa buhok niya at hinagod-hagod ito.

Naiintindihan ko na ngayon kung saan nagmumula ang galit niya.Pareho lang kaming may pagkakamali sa mga nangyari.Pareho kaming pinaglaruan.Hindi ko siya masisi ngayon dahil sa mga nagawa niyang pagtataboy at pananakit sa damdamin ko.

"It's ok...I understand." paos na sabi ko.

Umiling-iling ito at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin.

"Alexius..Naiinindihan ko na ngayon." Huminga ako ng malalim at nagpatuloy. "Alam kong wala kang tiwala sa akin--."

Hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita ng marahas siyang mag-angat ng ulo at bumaling sa akin.

"I trust you!" biglang sabi nito.

Umiling-iling ako at bahagyang natawa.Aaminin ko na hanggang ngayon ay may kirot pa din sa puso ko.Pero gaya nga ng sabi ko hindi ko magawang magalit sa kanya dahil pareho lang kaming walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Iniisip ko kung bakit nagawa ni Larrence ang ganitong bagay sa amin.

"I trust you,babe.Ako ang walang tiwala sa sarili ko.Nung makita ko kayong magkasama at nakikita ko kung paano ka ngumiti kasama sya ...iniisip ko na sa kanya ka talaga sasaya.Kahit di mo sabihin sa akin alam kong gusto mo ng isang normal na relasyon.At nasasaktan ako dahil alam kong hindi ko maibibigay sa iyo yon.Alam kong ako ang nagpumilit sayo na pumasok sa relasyon nating ito.Kahit alam kong bawal.Pero akala ko kaya ko ng makita ka na may kasamang iba.Akala ko kaya kong makalimutan ka." sabi nito.Namamasa na ang mata niya at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Nanatili lamang akong nakikinig sa kanya.Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya.Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya.Dinala niya ang kamay ko sa dibdib niya.

"Pero ito.." sabi niya patungkol sa puso niya. " Hindi ka ka kayang malimutan.Para na akong mababaliw sa tuwing maiisip ko na may ibang lalaki na magpapasaya sayo.Galit na galit ako.Sa tuwing nakikita kita gusto kitang hilain at itago para lang hindi ka makita ng iba.Galit na galit din ako sa sarili ko sa ginagawa kong pagtaboy at pananakit sayo.Ginawa ko lahat para kalimutan ka.Pero di ko talaga kaya.I love you so much babe..I love you." sabi nito habang matiim na nakatitig sa akin.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon