Twenty-five
Hindi ko na nakayanan kaya pasimple akong umalis sa table namin.Nagpahangin ako sa veranda.
Napangiti ako ng mapait ng maalala ang una naming pagkikita ni Alexius.Sa veranda din iyon.Yun ung panahon na hindi ko pa alam na mag-pinsan kami.
Liliko na sana ako sa pasilyo ngunit napahinto ako ng may matanawan akong isang bulto.Agad na kumalabog ang dibdib ko dahil tindig pa lang ay kilalang-kilala ko na ito.Akma sana akong lalapit ngunit para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng malamang hindi siya nag-iisa.
Parang dinudurog ang puso ko ng makita kong hinalikan siya ni Cheska.Inantay kong itulak nya ito pero ilang minutong magkalapat ang labi nila.Sa pag-atras ko ay di ko namalayang nasanggi ko ang isang vase na nakadisplay sa gilid.Nabasag ito at nakalikha ng ingay na naging sanhi ng pagbaling ng dalawa sa akin.
Halatang nagulat si Cheska na makita ako.
Habang si Alexius ay blangko lamang na nakatingin sa akin.Madilim ang aura nito at di ko malaman kung ano ang iniisip.Galit ba ito dahil nakita ko sila?O baka naman nabitin?Kita kong bumuka ang bibig ni Cheska kay Alexius na halatang may sinasabi.Ang nakita ko na lang ay naglakad na ito palayo.
Tanging kaming dalawa na lamang ni Alexius ang nandito.Nanginginig ako sa galit,sakit,pagkabigo.Halo-halo ang nararamdaman ko.
Pinilit kong salubungin ang mabibigat at matalim na mata nito.Kahit hirap ay pinilit kong humakbang palapit sa kanya.Hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito.
Inaantay kong magpaliwanag siya.Kahit kasinungalingan ay tatanggapin ko.Handa akong magpakatanga para sa kanya.Handa ako.Pero nanatili lamang itong tahimik.Parang galit pa ito sa akin.
Hindi ba't ako dapat ang magalit?Why Alexius?
Sapat na ang isang metrong distansya naming dalawa.Ngayong nakita ko sya ng malapitan ay masasabi ko kung gaano ko siya na miss.Agad na tumulo ang luha ko.Sandali itong natigilan ngunit bumalik na naman sa pagiging blanko ang mukha niya.Nag-iigtingan ang bagang at nagsimulang magsalubong ang kilay nya.
"B-bakit ka nya h-hinalikan?" usal ko na sapat lamang ang lakas para marinig niya.Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para lamang maitanong sa kanya iyon.
Please..Kahit magsinungaling ka tatanggapin ko..piping usal ko.I can't lose him.
Pero hindi ata pabor ang kapalaran sa akin.Ung puso kong wasak ay mas lalo pa atang nawasak at nagkadurog-durog dahil sa sagot niya.
"Ano bang pakealam mo?" iritableng sabi nya.Kung tignan ako nito ay parang ibang tao ako.
Kinuyom ko ang kamao ko at pilit na nilalabanan ang paninitig nya.
"The last time I check may karapatan akong magtanong nyan sa'yo." Matapang na sabi ko.
Ngumisi ito at sakristong tumawa.Agad akong natigilan.Why?Bakit ganito sya ngayon?
"Really,Anika?" May panunuyang tanong nito.
Napalunok ako upang mawala ang bikig sa lalamunan ko.
"B-bakit sinasaktan mo ako ng ganito?" di ko maiwasang isatinig.Nasasaktan na ako.Kung tignan nya ako ay parang hindi na sya ang Alexius na mahal ako.
"Cut the drama!" He hissed.
"Mahal na mahal kita Alexius." usal ko.Ayokong bitiwan sya.Ayoko!
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.Bahagya itong nanigas sa kinatatayuan nya at himawi ang kamay ko.
"Stop it Anika! We're done."
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...