Chapter 18

406 8 4
                                    

Eighteen

Ngayon ang uwi nina Mama at Papa galing sa State.Sinabi nila na maaga silang makakauwe at magdidiner kami sa labas bilang selebrasyon sa pagkapanalo ko.

Inihatid muna ako ni Alexius sa room ko bago siya dumiretso sa room niya.

Lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako.Ang nagawa ko lang ay ngitian sila pabalik dahil nahihiya ako.Sa room ay puro pagbati din ang ginawa nila sa akin.

Binati din namin ni Larence ang isa't-isa.At buong klase ay tinutukso kami sa isa't-isa.May iba pa nga na kinikilig sa amin.Maging ang guro namin ay nakisali din sa tuksuhan.

Ngumiti lang kami pareho ni Larence bilang tugon.Maayos naman ding natapos ang buong klase ko.

Ang driver namin ang sumundo sa akin dahil hindi ako makakasabay kay Alexius dahil may practice sila sa swimming team.

Pagdating ko sa bahay ay halos mapunit ang pisngi ko dahil sa lapad ng ngiti ko.
Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay at di nga ako nagkamali.Nakauwi na sina Mama at Papa.

"Naku!Hindi halatang namiss tayo nitong prinsesa natin." Nanunudyong sabi ni Papa dahil sa higpit ng pagkakayakap ko sa kanila.

"Na miss ko po kayo." nakangiting sabi ko.

"Mamaya mag-dinner tayo." Sabi ni Papa.

"Dalagang-dalaga na talaga ang anak namin oh." natutuwang sabi ni mama.Hinihimas-himas pa nito ang buhok ko na parang bata.

.Ngumuso ako dahil sa ginawa nya.Natawa na lang ang mga magulang ko.

Kinagabihan ay nakarating kami sa isang mamahaling restaurant.Napakaganda ng ambiance nito at halatang hindi basta-basta.

May lumapit na waiter sa amin at si Papa na ang umorder ng aming kakainin.Nakangiti kong pinagmasdan ang mga magulang ko na hanggang ngayon ay sweet na sweet pa din sa isa't-isa kahit na ilang taon na ang lumipas.

Sa tanawing iyon ay naisip ko si Alexius.Kami kayang dalawa ay magiging ganito din?Alam kong imposibleng magawa namin sa publiko ang ganitong bagay.

Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti ng mapakla.Nakakasakit sa dibdib.

"Iha are you ok?" alalang sabi ni Mama.Maging si Papa ay nakatingin na din sa akin na mukhang nag-aalala din.

Umiling-iling ako at ngumiti.

"Ok lang po ako.May naisip lang po akong bigla." sabi ko at pinilit na ngumiti.

Nagpasalamat ako na dumating ang pagkain namin kaya nawala ang atensyon nila sa akin.Masaya kaming kumakain.

"Gema!Dito." Tawag ni Mama.Itinaas pa nito ang kamay at may kinawayan.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong papalapit sa amin si Tita Gema.

Ang mommy ni Larence.

Ng makalapit ito sa amin ay nakipagbeso ito kay mama at papa.Ng mapadako ang mata nito sa akin ay lalong lumawak ang pagkakangiti nito.

"Anika,Iha." masayang sabi nito.Tumayo ako at saka ako humalik sa pisngi niya.

Nagtatanong ang mata ko ng tinignan ko si Mama.

"Inimbitahan ko sina Tita Gema mo at si Larence para makapag-celebrate sa atin dahil magpartner pala kayo ni Larence at pareho pang nanalo." paliwanag ni Mama.

"Ah ok po." nasabi ko na lang.

"Where is Larence?" tanong ni Papa.

Bago pa makasagot si Tita Gema ay may nagsalita na sa likod ko.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon