Thirty-nine
Isang linggo na kami ni Alexius sa Isla at masasabi kong napakasaya talaga namin.Nanadito kami sa katabing isla upang mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay.Magkahawak-kamay kami ni Alexius na habang naglalakad.
Masaya sa pakiramdam na nagagawa namin ito na parang normal na magkasintahan.Dito sa lugar na ito ay walang nakakakilala sa amin.Malayo kami sa mata ng pamilya namin.Malayo din sa mata ng mga mapaghusgang tao na kahit kaylan ay hindi magagawang tanggapin ang klase ng relasyon na meron kami ni Alexius.
"What do you want?" malambing na tanong ni Alexius sa akin.
Nandito kami sa harap ng bilihan ng mga magagandang damit.Maraming tiangge dito sa pamilihan.Gusto pa nga sana ni Alexius na dalhin ako sa mall na nasa kabilang isla ngunit tumanggi ako.Mas gusto ko pa dito sa tiyanggian.
Luminga-linga ako at parang may hinanap.Paglingon ko ay natakam ako sa nakita kong tinitinda ni manong na manggang kalabaw.Pakiramdam ko ay naglaway ako.
Imbis na sagutin ang tanong ni Alexius kung may napili na akong damit ay hinila ko siya papunta sa nagtitinda ng mangga.Hindi naman tumutol si Alexius bagkos ay nagpatangay lang ito kung saan ko siya hilain.
"Gusto ko nyan." nakangusong sabi ko habang nakaturo sa mga mangga.
"Alright.Kung yan ang gusto ng babe at baby ko." nakangiting sabi ni Alexius habang inaayos ang buhok kong bahagyang nagulo.
Agad na nagliwanag ang mata ko dahil sa sinabi niya.Pagharap namin kay manong ay nakangiti itong nakatingin sa amin ni Alexius.
"Mukhang naglilihi po ata ang inyong asawa." masiglang sabi ni manong.Siguro ay masaya din ito dahil mabebentahan na siya ng mangga.
Gusto ko sanang itama ang sinabi niya dahil hindi pa kami mag-asawa ni Alexius.Ngunit naunahan naman ako ni Alexius magsalita.
"Opo.Buntis kasi si misis kaya naglilihi." masayang sabi ni Alexius tapos ay kumindat pa sa akin.Napatawa na lang ako sa ginawa niya.
Masarap sa pandinig na mag-asawa kami.Pero kahit alam ko namang malayong mangyari iyon.Iwinaksi ko sa aking isipan ang negatibong bagay na iyon.Dapat na akong makontento kung ano man ang meron kami ni Alexius.Hindi man kami ikasal ay mas mahalagang nasa tabi namin ang isa't-isa.
Bumili ng tatlong kilong mangga si Alexius habang ang isang pirasong mangga ay pinabalatan ko na at kinakain ko habang nag-iikot-ikot kami sa pamilihan.
Sakto lang din naman ang mga nabili namin.Gusto pa nga ni Alexius na dagdagan pa ang mga gamit ko ngunit tumanggi na ako dahil halos lahat ata ng makita niyang bagay sa akin ay bibilihin niya.
Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna kami.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Alexius habang inaayos ang mga pinamili namin.
Nandito kami sa kusina.
"Hmmm...Sinigang na baboy na may mangga." nakangiting sabi ko.
"Alright then." Agad na sagot nito at inihanda na ang mga gagamitin.
Nakatalikod ito sa akin habang naghihiwa ng karne.Kahit nakatalikod ay kapansin-pansin ang magandang katawan nito.Sa tuwing nagalaw ang braso nito at nag pi-flex ay hindi ko maiwasang matakam.Kahit yung pang-upo niya ay masarap ding pisilin.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Genç KurguHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...