Sixteen
Habang nag-lalakad ako sa stage ay walang tigil ang sigawan at palakpakan ng mga kapwa ko estudyante.
Pinililit kong wag mailang dahil sa suot kong swimsuit.Napatingin ako sa gawi nina kuya Caiden dahil sa malakas nilang pag-cheer sa akin.Sina Cloe at Selene naman ay may hawak na banner na may mukha at pangalan ko.Napangisi ako dahil garabe sila kung maka suporta sa akin.Pero agad ding nawala ang ngiti ko pansamantala pero agad din akong nakabawi at ngumiti pero nag-mumukha ata iyong ngiwi dahil halatang pilit.Nakita ko kasi si Alexius na blanko lamang na nakatingin sa akin.Alam ko namang ayaw nya na nakasuo ako ng swimsuit ngayon.
Pagtapos kong rumampa ay siya namang labas ni Larence.Nagtama ang paningin namin at pareho kaming ngumiti sa isa't-isa.
Malakas ang tilian at sigawan ng lumabas siya.Tanging swimming trunks lamang ang suot niya.Pagkatapos niyang rumampa sa stage ay sabay kaming rumampa pabalik sa harap ng mga kapwa namin estudyante.
Napasinghap ako ng bigla akong hawakan sa bewang ni Larence.Pagtingin ko sa kanya ay patay malisya lamang ito at nakangiti pa rin sa harap.
Malakas na nagttilian ang mga manonood sa amin.Yung iba ay kinikilig pa.Kinakabahan akong napatingin sa pwesto ni Alexius na ngayon ay sobrang dilim ng aura at masamang nakatingin sa amin.Partikular sa kamay ni Larence na nakahawak sa bewang ko.
Gusto ko mang tanggalin ang kamay niya Larence ay di ko magawa dahil baka kung anong isipin ng mga manonood.
Inalalayan nya akong maglakad pabalik sa backstage.
"Bagay na bagay talaga kayo!!" malakas na tili ni Selene.
Humiwalay ako kay Larence at tumuloy sa dressing room ng mga babae.Sumunod sa akin sina Selene at Cloe.Wala pa ding tigil si Selene sa kakatukso sa akin kay Larence.Nakita ko pang umismid si Cloe.
Tinulungan nila akong maisuot ang long gown ko.Ito na kasi ang last na bahagi ng contest.Dito din magkakaroon ng Q and A.
"Goodluck!" sigaw nina Cloe at Selene.
Sabay kaming lumabas ni Larence.Naka lagay ang kamay ko sa braso nya.Napakakisig nito sa suot nitong suit.Pareho kaming naka kulay puti dahil nga kami ang mag partner sa contest.
Matapos kaming ipakilalang muli ng host ay pinabunot ako nito ng isang papel sa loob ng isang transparent bowl.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako.Nilingon ako ni Larence at nginitian.Siguro ay ramdam din nya ang panlalamig ng kamay ko.
Ngunit hindi man lang nito nabawasan ang kaba ko.Hinanap ng mata ko si Alexius at ng magtama ang mata namin ay tunanguan nya ako.Batid kong ramdam din niya ang kaba ko.Nginitian ko siya at medyo nabawasan ang takot ko.
"Eto ang nabunot mong tanong Miss Montiverde.Are you ready?"Sabi nito na tumingin sa akin.Ngumiti ako at tumango.
"Yes." sagot ko.
"What is Love?" sabi nito.
Ngumiti muna ako at kinuha ang mic.Inilibot ko ang paningin ko sa mga manunood.At huminto ito kay Alexius at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.Maging siya ay hindi din inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"For me love is no boundaries.Ang pagmamahal walang pinipiling kasarian,tao o mga pangyayari.Kapag nagmahal ka lahat ng mali nagiging tama at lahat ng hindi pwede ay pipilitin mong maging pwede.
Sa pagmamahal hindi lang puro sarap at saya ang mararanasan mo.Hindi mo maiiwasang makaramdam ng sakit.Pero sa dalawang taong nagmamahalan basta totoong pagibig ang nararamdaman ay lahat makakayanan.Kapag nagmahal ka hindi mo mapipili kung sinong tao ba ang mamahalin mo.Masyadong malawak at puno ng sorpresa ang pagmamahal.That's all thank you." sagot ko.Yung mga manonood ay biglang nagpalakpakan at sobrang tuwa ang nararamdaman ko.Hindi ko pa din inaalis amg paningin ko kay Alexius.
He mouthed I love you.
"Wow!Thank you sa napakaganda mong sagot Miss Monteverde." nakangiting sabi ng host.
Sunod naman na bumunot ng papel ay si Larence.Sa konting galaw at ngiti pa lang niya ay todo hiyawan na ang mga kababihan sa Auditorium.
"Paano kung di ka mahal ng mahal mo?" tanong ng host kay Larence.
I felt him stiffed.Pero nakabawi din at ngumiti ng mapakla.At saka siya tumingin sa akin.
Akward!Yun ang pakiramdam ko dahil sakto sa kanya ang tanong.
"Ahmm..Kahit di nya ako magawang mahalin,hindi pa din ako hihintong mahalin sya.Hihinto akong i pursued sya pero hindi ibig sabihin non na ititgil ko na ang nararamdaman ko para sa kanya..Ayawan man nya ako at ipagtabuyan mananatili pa din ang pagmamahal ko para sa kanya.Handa ko syang mahalin sa sarili kong paraan.Kahit na pagkakaibigan lang ang kaya nyang ibigay sa akin tatanggapin ko iyon.Wala akong hihingiing kapalit,makita ko lang syang masaya ay ok na sa akin.Kahit masakit na makitang hindi ako ang dahilan ng pagngiti nya.Tatanggapin ko iyon ng maluwag.Ganun ko sya kamahal." Madamdaming sabi nito habang nangungusap ang matang nakatitig sa akin.
Ilang beses akong napalunok at napaiwas ng tingin.
Sandaling natahimik ang paligid at maya-maya ay nag-hiyawan ang karamihan at yung iba ay kinikilig pa sa amin.Hindi lingid sa kaalaman ng ibang estudyante dito ang panliligaw na ginagawa ni Larence sa akin.Maging ang ilang beses kong pagtanggi sa nararamdaman nito ay alam ng lahat.
Sa huli ay kaming dalawa ni Larence ang itinaghal na panalo sa battle of the beauties.Ang department namin ang nag-wagi.
Sinalubong ako ng mahigpit na yakap nina Kuya Caiden at Calum.Sina Selene at Cloe ay hindi din nag-pahuli sa pagyakap at pagbati sa akin.
"Sabi ko na eh!Ikaw talaga ang mananalo." bulalas ni Selene na hindi nawawala ang pagkakangiti.
"Congrats bunso!" sabi ni Kuya Caiden.
Walang tigil ang pagbati sa akin ng mga kapwa ko estudyante.Pero may partikular na tao na hinahanap ang mata ko.
Hindi ko makita si Alexius kung nasaan siya.Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil hindi ko siya makita.
Nagkatinginan kami ni Cloe at sinenyasan nya akong gawin kung ano ang balak ko.Tumango ako at ngumiti.Alam kong alam niyang hahanapin ko si Alexius.
Nilapitan nya sina kuya Caiden bago ako tinanguan.Hindi nila napansin na umalis ako.
Walang masyadong tao sa hallway ng school dahil nga sa gabi na.Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakali na makita si Alexius.
Napasigaw ako ng biglang may magtakip ng bibig ko at hilahin ako papasok sa isang classroom.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...