Twenty-nine
Nakatitig lang ako sa maliit na mesa na nasa harap ko.Ang kaninang lakas ng loob ko ay unti-unting nalulusaw at kinakain na naman ako ng takot at kaba.
Nakaupo si Alexius sa harap ko at tila inip na inip na at nag-aantay ng sasabihin ko.Matalim itong tumingin sa akin at sumandal sa upuan.Iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya at saka ako yumuko.
"Kung hindi ka mag sasalita mas mabuti pang umalis ka na lang." anito sabay tingin sa relo nya.
Nakaramdam na naman ako ng paghapdi ng damdamin ko pero pinigilan ko ang emosyon ko.Baka kasi bigla na lang akong maiyak sa harap nya.
Akmang tatayo siya kaya naalarma ako.
"Bakit mo ko hiniwalayan?" biglang sabi ko.Ang katanungang iyon ang lubos na gumugulo sa isipan ko.
Napahinto ito sa pagtayo at muling umayos ng pagkakaupo.Tumalim ang mata nito at halos maningkit ito sa pagkakatingin sa akin.
"Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Bakit mo ako ginaganito?May nagawa ba ako? May hindi ka ba nagustuhan? Kasi naguguluhan ako sa nangyayari.Please kailangan ko ng paliwanag mo." tuloy-tuloy na sabi ko.Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluy-tuloy na bumuhos mula sa mata ko.
Sandali itong natigilan at pakiramdam ko ay namalikmata ako ng makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.Agad din itong napalitan ng galit.
"Ikaw pa ang may ganang magtanong ng ganyan sa akin?" sakristong saad nito.
Napamaang ako sa sinabi nya at mas lalong naguluhan.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sige kunwari na lang na di ko alam ang ginawa mo." nanunuyang sabi nito.
"Hindi ako manghuhula kung ano man ang ibig mong sabihin." usal ko.Nakikiusap ang tinig ko.
"Tangina Anika! Minahal kita pero ano? ha? Nagawa mo akong lokohin?!Damn you!" napapitlag ako sa pagtaas ng boses nya.
"W-wala akong alam sa sinasabi mo!" naiiyak na sabi ko.
"Talaga?! " Ngumisi ito at tumayo.Lumapit ito sa isang kabinet at may kinuhang brown na envelope at inihagis sa mesa.
"Open it!" malamig na sabi nito.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang envelope.Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga ng tumambad sa akin ang picture ko habang nakapikit na may kasamang lalaki na nakahiga sa tabi ko.Ang lalaki ay walang iba kundi si Larrence.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya.Paano? Ano ito? Gulung-gulo ang utak ko.Sigurado akong ako ang babae dito sa picture.Pero alam ko na sa ospital ito.Tanda ko pa ang higaan na ito ng magising ako.Ngunit kung titignan mo ang paligid ay nagmumukha itong kwarto at hindi ospital.Kinuha ko pa ang ibang picture.Sa ibang kuha ay nakapikit pa rin ako pero kita ang balikat ko na natatabunan ng kumot.Kung titignan mo ito ay magmumukha akong walang suot tapos si Larrence ay nakayakap sa akin habang nakahalik sa pisngi ko.
Ang pangatlong picture naman ay nakapikit pa rin ako at mukhang walang suot habang si Larrence ay nakapatong sa akin at walang suot na damit.Tanging ibabang katawan lamang nito ang natatabingan ng kumot.Maganda ang pagkakanaggulo ng pagkuha ng picture.Nanghihina akong napasandal sa upuan at tuluyang umiyak.Unti-unti din akong binalot ng galit at poot.
Ganito ba? Ganito ba kababaw ang tingin nya sa akin? Na kaya ko syang lokohin at ipagpalit sa iba?
"Ngayon! Wala ba akong karapatang magalit?! Huh?! Ang galing mong manakit Anika!" Galit na sabi nito.Halos mag igtingan ang panga nito sa galit.
Tumayo ako at akmang lalapit sa kanya ng bigla niyang ibalibag ang mesa sa harap ko.
"Galit na galit ako ng makita ko ang picture na yan! Hindi ako naniwala agad..pero ano?! nung pinuntahan kita sa inyo magkasama kayo sa iisang kwarto?! Tangina! " galit na bulyaw nito.
Naalala ko na yung gabing nagtangka na naman akong wakasan ang buhay ko ay si Larrence ang biglang dumating at sinamahan ako sa kwarto.Yun ang naabutang tagpo ni Alexius.
"H-hindi kita niloko!" usal ko.
"Tama na! Ano pa bang kulang ha?! Minahal kita ng totoo pero ano?! Naghanap ka ng iba at pinagsabay mo pa kami!" bulyaw nito.
"P-please..please..let me explaine." pakiusap ko sa kanya.
"Umalis ka na! Habang nakakapagtimpi pa ako!"
"No!no! please.." umiling-iling ako at yumakap ako sa kanya.
Nasaktan lalo ako ng hindi man lang siya gumanti ng yakap sa akin.Nanginginig ang katawan nito sa galit at umiiyak na din siya.
"Let me explaine..Please.." pakiusap ko habang hinihigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Umalis ka na.." malakas nitong tinaggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko.Pakiramdam ko ay ilang ulit akong pinapatay dahil sa mga sinasabi nya at ginagawa nyang pagtatabuyan sa akin.
"Wala kaming relasyon.." sabi ko habang humahagulgol.
"Wala kayong relasyon? Pero magkasama kayo ng tatlong araw!?" asik nito.
Umiling ako at nahirapang sabihin ang totoo.
"Alam mo ba kung anong pakiramdam ko ng araw na bigla kang nawala?! Alam mo ba na halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan ka at baka may nangyaring masama sayo? Tapos malalaman ko magkasama kayo sa loob ng tatlong araw ng hayop na Larrence na yun!Sobrang sakit! Pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay sa selos,ng galit!" sigaw nito habang naiyak.Umupo ito sa sahig at inilagay ang dalawng kamay sa mukha.
Napatakip ako ng bibig ko upang pigilin ang paghagulgol ko at umupo ako sa tapat niya.Hindi ko sinasadyang saktan sya! Hindi ko ginusto iyon!
"Kulang pa ba ako Anika?! Kulang pa ba ako?! Magsalita ka! Kulang pa ba!?" niyugyog niya ang balikat ko at pilit na pinagsasalita ako.
"Muntikan na kong mapagsamantalahan ng araw na yun!" Biglang sigaw ko.
Napahinto ito sa ginagawa nya at animo'y nakakita ng multo.Tinaggal ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at lumayo ng kaunti sa kanya at saka humagulgol.Nanatili itong tahimik at bakas ang pagkagulat sa mukha.
Ngunit sinunggaban ko na ang pagkakataon upang sabihin ang totoo.Ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari simula sa umpisa.Nanatili itong blanko at gulong-gulo dahil sa isiniwalat ko.
Hindi ko na naman maiwasang makaramdam ng takot at panginginig ng katawan.Pakiramdam ko ay nanduon na naman ako sa pangyayaring iyon.
Saka lamang siya natauhan ng makita niya ang panginginig ng katawan ko.Agad itong lumapit sa akin.
"Babe.." usal nito na parang natataranta.
Iniangat nito ang kanyang kamay at itinatapik sa pisngi ko.Ngunit pakiramdam ko ay namamanhid ang katawan ko.Kita ko ang pag papanic sa mukha nito.Pakiramdam ko ay napakabigat ng mga mata ko.Pilitin ko mang manatiling nakadilat ay parang di ko kaya.Hanggang sa tuluyan ko ng ipikit ang mata ko.
"Fuck! Babe! Please..Open your eyes..I'm sorry! I'm sorry.." sigaw nito.
Naramdaman ko na lang na umangat ako sa ere.Then everything went black.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
JugendliteraturHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...