Chapter 13

435 8 0
                                    


Thirteen

"Babe,almusal na tayo." alok ni Alexius sa akin.Nakatalikod na sya ngayon sa akin at nakaharap sa kalan habang nagluluto.

Kinagat ko ang labi ko dahil baka hindi ako makapagpigil at makagawa ako ng di dapat.Intstead ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.Nakangiting hinarap ako nito.

"I love you." sabi ko.

Pinatakan niya ng halik ang tungki ng ilong ko. "I love you too,babe."

Masaya kaming kumain ng almusal.Nagulat pa nga ako kung bakit may uniform na akong nakahanda eh.Yun pala ay maaga siyang umalis kanina para pumunta sa bahay at kumuha ng damit ko.

"Sunduin kita mamaya." sabi nya.Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng room ko.Gusto nya sana akong halikan pero pinanlakihan ko siya ng mata.Mahirap na baka mahalata kami.Sa halip ay natawa siya at pinisil ang pisngi ko saka siya umalis para pumunta na sa klase nya.

"Ok class,magkakaroon ng battle of the beauties for boys and girls per school department." sabi ni Ma'am pagkatapos niyang magklase.

Nag-hiyawan ang mga kaklase namin.Pero ako ay walang interes na makinig dito.

"This year ay dito sa klase nyo kukunin ang dalawang representative.Isang lalaki at isang babae."Luminga-linga ito sa buong klase. "Any volunteer?Or suggestion kung sino ang pwede?Basta make sure na beauty and brains." nakangiting sabi nito.

Biglang nagtaas ng kamay ang isang classmate ko.At hindi ko gusto ang biglang paglingon nito sa akin bago ibalik ang tingin sa harap.

"Yes,Miss Ortega?"

"Ma'am si Anika po." nakangiting sabi nito.

Nanlaki ang mata ko at umiling-iling.Pero biglang sumaang-ayon ang ibang classmate ko.Kaya napalunok ako.

"Well..Ok Miss Monteverde ikaw ang representative para sa babae.Now for boys?"

"Ma'am si Larence po.Bagay sila." biglang sabi ni Gely at napansin kong kumindat pa ito kay Larence.

"Ok..Mr. Villiegas ikaw ang representative para sa lalaki.Pagkatapos ng klase nyong dalawa ay pumunta kayo sa Auditorium dahil ililista nyo ang name nyo duon." Pagkatapos ng sinabi ni Ma'am ay lumabas na ito ng room.

Yung mga classmate ko naman ay tinutukso-tukso kami na bagay daw kami at sinabihan pa nila ako na bigyan ko na daw ng chance si Larence.Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na ilang beses ng nanligaw si Larence sa akin pero lagi kong sinasabing wala akong nararamdaman para sa kanya.

Patingin-tingin ito sa akin pero hindi naman nagtangkang lapitan ako.After kasi ng mangyari ang gulo dun sa party ni Selene ay hindi ko na kinausap pa si Larence.At mas ok na din iyon para hindi na magselos si Alexius.At saka para itigil na din ni Larence ang panliligaw nya sa akin.

Natapos ang klase at nagtext si Alexius na papunta na sya sa room ko para sabay kaming pupunta ng canteen.

Papalabas na sana ako ng pinto ng matigilan ako dahil may biglang humarang sa dadaanan ko.Si Larence pala na malungkot na nakatingin sa akin.

"Anika.." panimula nya. "Sabay na tayong pumunta mamaya sa Auditorium pag-uwian." dagdag nito.

"ah..Ok.." simpleng sagot ko.Mag-sasalita pa sana siya ng may tumawag na sa pangalan nya.Pagtingin ko ay mga kaibigan nya. "Tinatawag ka na nila." kaswal na sabi ko.

Nagkamot ito ng batok na parang ayaw pang umalis sa harap ko. "Ahm..S-sige.." alanganing sabi nito saka tumakbo papunta sa mga kaibigan nya.

I sighed.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon