Chapter 28

364 13 4
                                    

Twenty-eight

Hindi ko alam kung paano pa nga ba magiging normal ang buhay ko.

Dalawang buwan buhat ng makipag-hiwalay si Alexius sa akin sa di ko malamang dahilan.

Ilang beses akong nagtangkang lapitan at kausapin siya pero lagi nya akong binabalewala at ipinagtatabuyan.

Ilang beses na nga ba akong nabigo at umiyak ng dahil sa kanya?Hindi ko na ata mabilang pa.

Lagi ko din siyang nakikitang may iba't-ibang babaeng kasama.Halos araw-araw ata kung magpalit siya ng babae at talaga namang sobra akong nasasaktan.

Ilang beses akong nanghingi ng paliwanag sa kanya kung bakit niya ako hiniwalayan at sinasaktan ng ganito.Ngunit lagi niya akong itinutulak palayo.

Nagising akong mabigat ang pakiramdam at parang babaliktad ang sikmura ko.Natuptop ko ang bibig ko at mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at halos iluwa ko na ang bituka ko sa kakasuka.

Nang pakiramdam ko ay wala na akong maisuka ay nanghihina akong sumandal sa pader at naupo sa sahig.Tagaktak ang pawis ko at nakakaramdam ako ng hilo.

Ilang minuto din ang inilagi ko sa banyo bago ako nagpasyang lumabas ng banyo para makapag-ayos ng sarili.

Ilang araw na akong nakakaramdam ng hilo at nawawalan ako ng ganang kumain.Kahit ang mga paborito kong pagkain ay tila nag-iba ang panlasa ko at ayaw ko ng kainin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla akong nagpahatid sa isang bakeshop.Pinaalis ko na ang driver namin at naiwan ako sa harap ng pintuan.Tumingala muna ako sa nakasulat na malaking pangalan ng shop saka ako nagpasyang pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng mga isiniserve nila.Pumunta ako sa mga cake na nakadisplay sa counter at isa-isa ko itong tinignan.

Pakiramdam ko ay naglalaway ako ng makita ko ang mango cake na punung-puno ng maraming mangga sa ibabaw.

"May napili na po ba kayo ma'am?" Nakangiting tanong ng babaeng cashier sa akin.

Ngumiti ako at kinagat ko ang ibabang labi ko saka ako tumango sa kanya.

"Ito po." masayang sabi ko habang nakaturo ang hintuturo ko sa mango cake.

Tumalima agad ang babae at inayos ang order ko.

"Dito ko po kakainin at saka milk shake po."mabilis na dagdag ko.

Pagkatapos makuha ang inorder ko ay naghanap ako ng mesa na mapupwestuhan.Napangiti ako ng makita kong walang nakaupo sa pinakadulo.

Pagkaupo ko ay luminga muna ako sa paligid saka masayang nilantakan ang cake.Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Hindi ako mahilig sa mangga. In fact ayaw ko ng lasa nito,pero ngayon sarap na sarap ako sa pagkain nito.

Huling subo na lang at matatapos na ako.Nahinto sa ere ang pagsubo ko ng marinig kong nag-uusap ang dalawang couple na nasa tapat ko.

"Hon,grabe ka mag lihi..Nakakailang mango cake ka na oh." sabi ng lalaki.

Hindi ko makita yung reaksyon ng babae dahil nakatalikod ito sa gawi ko...

Bigla kong naibaba ang kutsarang hawak ko.At nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa reyalisasyon.

Tumayo ang babae at mabilis na umalalay ang lalaking kasama nito.Bumaba ang tingin ko sa umbok nitong tiyan.At wala sa sariling napahawak din ako sa tiyan ko.Hindi ko binitawan iyon hanggang sa makalabas ang mga ito sa shop.

Pakiramdam ko ay dinamba ako ng kaba sa dibdib ko.At ilang beses akong napapalunok.

------

Ilang minuto na akong nakatayo dito sa harap ng isang pharmacy.Pansin ko din na panay ang tingin ng ibang tao sa akin.Nanlalamig ang kamay ko at ilang beses akong bumuntong-hininga.Nilakasan ko ang loob ko saka ako nagpasyang pumasok sa loob.Nakangiting humarap sa akin ang pharmacist sa counter.Hindi ko siya nagawang ngitian pabalik dahil sa sobrang kaba ko.

"M-meron po ba kayong p-pregnacy kit?" there! I said it!.Ramdam ko pa din ang kaba ko.

Pagkauwe ko ng bahay ay agad kong inilabas ang binili ko at binasa ang instruction nito.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang tatlong piraso nito.Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba ito o hindi.Imposibleng may mabuo kami ni Alexius dahil isang beses lang na may nangyari sa amin.

Pero..sino ba ang niloloko ko? Pagak akong natawa.Lahat ng senyales na nararamdaman ko ay pwede eh.At saka almost 2months na akong delayed..

Nagmadali akong pumasok sa banyo at ginamit ang kit na nabili ko.Ilang beses akong nagdasal sa utak ko na sana hindi totoo ang hinala ko..

Napaluha ako ng pare-parehong may dalawang linya ang prrgnancy kit na ginamit ko.

"Damn!" malakas na usal ko at saka ako sumalampak ng upo sa tiles.Di ko ininda ang lamig niyon at niyakap ko ng mahigpit ang mga tuhod ko at tahimik na umiyak.

"B-buntis ako..." wala sa sariling usal ko habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at saka ko hinimas ang wala pang umbok na tiyan ko..Walang kasalanan ang anak ko sa nangyayari.Kung ano man ang mangyari tatanggapin ko siya at mamahalin..

"Baby..I'm sorry kung umiiyak si mommy,hindi ko lang ineexpect na ibibigay ka sa akin ng diyos.Pero wag mong isipin na pinagsisisihan ko na nabuo ka.Mahal na mahal kita." usal ko habang hinihimas ang tiyan ko.Alam kong hindi magiging madali ang lahat lalo na't bawal na pag-ibig ang dahilan ng pagkakabuo ng anak ko.Pinapangako kong gagawin ko lahat maprotektahan ko lamang siya sa lahat ng mapanghusgang tao.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipaalam kay Alexius o hindi.Pero alam kong may karapatan siyang malaman na dinadala ko ang anak naming dalawa.

Nandito ako sa loob ng clinic ng isang Oby.Gusto ko lang makasiguro na talaga ngang buntis ako at nag aantay na lang ako ng result.

"Congratulations iha! Almost two months ka ng pregnant." masayang sabi ng doctora.

Nakangiti kong tinanggap ang resulta ng ultrasound.Namasa ang mata ko sa kasiyahan dahil totoo ngang may dinadala akong buhay sa loob ng aking katawan.Kung anu-anong ibinilin ng doctora sa akin at niresetahan din ako ng mga vitamins.

Nakangiti akong lumabas ng clinic at inilabas ko ang phone ko para sana tawagan ang driver namin at magpapahatid ako sa condo kung saan nakatira si Alexius.

Pagdating ng driver ay agad kong sinabi kung saan ako pupunta.Mahigpit ang hawak ko sa papel at talaga namang sobrang kinakabahan ako.Hindi ko alam kung matatanggap nya nga ba ito o baka ipagtulakan na naman nya ako.

Pagdating sa unit ni Alexius ay nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi.Pero kailangan ko itong gawin alang-alang sa anak namin.

Bago pa ako makakatok ay kusa ng bumukas ang pintuan at pareho pa kami ni Alexius na nagkagulatan.

"What are you doing here?" malamig na tanong nito.Bumalik na naman sa pagiging blanko ang mukha nito.

Halos magusot ko na ang papel na hawak ko dahil sa kaba at sakit na nararamdaman ko.

"Gusto kitang makausap..Pangako ito na ang huling beses na kakausapin kita." matapang na sabi ko.




I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon