Chapter 42

459 12 1
                                    

Fourty-Two

Pak!

Pak!

Dalawang magkasunod na malakas na sampal ang yumanig sa pagkatulala namin.Hawak-hawak ni mama ang namumula niyang pisngi.

Lalapit sana ako sa kanila upang pigilan ang ginang sa pananampal kay mama ng hawakan ako ni Alexius at umiling sa akin.

Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga impormasyong isinisiwalat ngayon sa harapan ko.

Kita ko ang takot sa mukha ni mama.Habang ang ginang naman ay galit at poot ang nangingibabaw sa kanyang mga mata.

"Stop it!" sigaw ni papa.Kinabig niya si mama ng umangat muli ang kamay ng ginang upang sampaling muli si mama.

"Kulang pa ang samapal na yan sa ginawa mong pag-angkin sa anak ko!" Nanginig ang boses nito at impit na napaiyak.Agad na lumapit dito si Helios at niyakap ang ginang.

Ako naman ay natulala sa sinabi niya.Nanginig bigla ang katawan ko.Pakiramdam ko ay parang iikot ang paligid dahil sa mga narinig ko.Kung hindi lang ako yakap-yakap ni Alexius ay baka bumagsak na ako.

"W-what do you mean?" takang tanong ni papa sa ginang.

"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong asawa?" Bumaling ito kay mama. "Bakit hindi mo sabihin sa buong angkan ninyo ang kasalanang ginawa mo?"

Umiling-iling si mama at patuloy na umiyak.

"M-ma..Ano pong ibig nyang sabihin?"Naiiyak na sigaw ko.

Hindi sumagot si mama.Patuloy lamang itong umiiyak at umiiling.

"Damn it! Alora! Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ka magsalita?!" Galit na din si papa.Inalog-alog pa nito ang balikat ni mama.Ramdam na ramdam ang namumuong tensyon sa paligid.

Ang ginang ay bumaling sa akin habang hawak siya ni Helios.Bakas ang pangungulila nito habang nakatingin sa akin.

"Anak ko si Anika." There! Pakiramdam ko ay para akong sinabugan ng bomba.

"What!? Anak ko si Anika! I'm her real father!" Bulyaw ni papa.Muli itong bumaling kay mama.

"Fuck! Alora say something!"

"I-i'm s-sorry..." Yun lang ang namutawi sa bibig ni mama.

Nanghihinang napabitaw si papa sa balikat ni mama.Bumuhos ang luha nito sa mga mata nya.Ako naman ay yakap-yakap ni Alexius habang pinapatahan sa pag-iyak.

"H-how?" Basag ang boses ni papa.

"I'm sorry...I-i'm sorry.." paulit-ulit na sinabi ni mama.

Napapitlag ako ng biglang mag-wala si papa.Sa sobrang galit nito ay pinagbubuhat nito ang upuan at ibinalibag.Ang ilang gamit na nasa mesa ay walang habas niyang pinagbabasag.Pinigilan ito ng mga tito at pinsan ko.

Ako naman ay pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang nangyayari.Nanghina ako sa narinig ko.Pakiramdam ko ay unti-unting nababasag ang puso ko.

"Anong ginawa mo huh!?" Hiyaw ni papa kay mama.Basang-basa ang mukha ni papa dahil sa patuloy na pag-agos ng luha niya.Ngayon ko lang nakita na ganito ka wasak at kabigo ang mga magulang ko.

Ilang minuto na ganun ang nangyari.Hanggang magdesisyon ang mga tiyuhin ko na umupo upang mapag-usapang maayos ang mga nangyari.

Inalalayan ako ni Alexius na makaupo sa upuan.Hindi niya ako binitiwan simula pa kanina.Batid kong ramdam niya ang panghihina ko.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon