Twelve
"Babe,hindi mo naman ako hihiwalayan diba?" nag-aalalang tanong ni Alexius.Hindi ko siya sinagot.Hindi niya ako hinatid sa bahay.Nandito kami sa condo nya at hindi daw ako uuwi hanggat hindi kami nag-kakaayos.
"Babe,promise hindi ko alam na hahalikan nya ako.Nagulat din ako,pero itinulak ko din sya." paliwanag nito.
Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa pinaggagawa nito.Hindi naman ako galit,pero di ko lang matanggap na nahalikan siya ng haliparot na yun.Gusto ko tuloy pamumugin si Alexius ng tide powder para luminis ang bibig nya.
Napasimangot na naman ako.
"Babe..Hindi mo naman ako iiwasan diba?"
"Bakit ko naman gagawin yun?" napataas ang kilay ko.
"Ayoko lang mawala ka sa akin." Seryosong sabi niya.
Huminga ako ng malalim at pinaningkitan siya ng tingin.
"E di kung pinakawalan kita,laking tuwa ng Lena the slut na yun!"
"Babe.."
"Hinding-hindi kita pakakawalan ok?Sa susunod wag mong hahayaang may kahit sinong babae na makahalik sayo maliban sakin.Naiintindihan mo?" sabi ko.
Napangiti ito. "Yes!Babe!" masiglang sabi nito. "Bati na tayo babe?" pangungulit nito.
I nooded.Wala namang dahilan para magalit ako.Nakita ko ang nangyari kanina.Kung meron mang dapat na sisihin dito ay ang malanding si Lena na iyon.
"Yun!" akmang hahalikan ako nito ng mabilis kong iiwas ang mukha ko at harangan ko ang bibig ko.
Natigilan ito at madilim ang awra na tumingin sa akin. "Why?I thought na ok na tayo?"
"Yes..Pero isang taon kang hindi pwedeng humalik sa akin."
"What?! No,Anika!" protesta nito at kulang na lang ay magpapa-padyak sa sahig.Gusto ko siyang batukan ng malakas parang tanga kasi.
"Pagkatapos mahalikan ni Lena yang labi mo..Tapos ihahalik mo sa akin?" asar na sabi ko.
"Damn! Bwisit na babae yun! Wait me here." sabi niya saka mabilis na tumakbo papasok sa kwarto niya.
Ewan ko kung anong ginagawa niya.Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tv.Mga kalahating oras din ata bago bumalik si Alexius.
Napataas ang kilay ko ng makita kong bagong ligo ito at namumula ang labi.Napapikit ako ng malanghap ko ang mabangong amoy nito.
"Now! Nilinisan ko na yung labi ko.Naligo na din ako." sabi nito ng nakangisi.
"Oh ano ngayon?" pang-aasar ko sa kanya.Alam ko naman ang sinasabi niya.Trip ko lang talagang asarin siya.
"Can I kiss you now?" nakangusong sabi nito.
"Bleh! Ayoko nga!" pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit pulang-pula ang labi mo?" tanong ko."10 beses akong nag-tootbrush at 10 beses na nag-mouthwash." balewalang sabi nito.
"pffft.hahhahaa.." di ko mapigilang matawa.
"Tinatawnan mo ko ha!"
Tinawid niya ang distansya namin at hinalikan ako.Nilamon ng halik niya ang tili ko dahil nambibigla siya.Napaawang ang labi ko ng dumako ang kamay nito sa dibdib ko.Sinamantala niya ang pagkakataon para maipasok ang dila nya sa loob ng bibig ko.
"Anika.." hingal na sabi nito ng humiwalay siya sa pagkakahalik sa akin. "Mahal na mahal kita."
Hindi nya na hinintay na sumagot ako dahil muli niyang sinakop ang bibig ko.Hinalikan ko din siya pabalik.Ipinulupot ko sa leeg niya ang kamay ko.Unti-unti niya akong binuhat paupo sa kandungan niya.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Ficțiune adolescențiHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...