Chapter 36

334 10 0
                                    

Thirty-six





"Babe.."

"A-alexius.." usal ko.

"Babe..Are you ok?Sinasaktan ka ba nila?Pinapakain ka ba ng mabuti?Si baby?Ok ba sya?..I miss you." Sunud-sunod na tanong ni Alexius.

Tumulo ang luha ko at hindi na ako nagabalang punasan pa ito.God! I miss him so much.Marinig ko lang ang boses nya ay kumakalma na ako.

"I'm ok..I guess.." sagot ko.

"Babe..I'm sorry kung nahihirapan kayo ni Baby ng dahil sa akin.I'm sorry..I'm sorry.." umiiyak na sabi nito sa kabilang linya.

Umiling-iling ako na para bang nasa harap ko lang siya at kausap.

"Shh..wala kang kasalanan.Pareho nating ginusto ito at hindi mo ako pinilit.Babe..Mahal na mahal kita.Natakot ako ng malaman ko kay mama na sumuko ka na daw sa akin." sabi ko.

"No! Magtiwala ka sa akin.Kahit totoo mang pumayag ka o hindi ay hindi ako susuko sayo.Kung kinakailangan kitang kidnapin para lang hindi mo pakasalan ang kuto na iyon ay gagawin ko.You know how much I love you right?" tanong nito.

"Yes."

"Good..Wait me babe at magsasama din tayo."

Wala pa ding tigil ang pag-uusap namin ni Alexius.

Patingin-tingin ako sa pinto dahil baka biglang bumukas ito at mahuli ako ni mama na may hawak na phone.Itinago ko ng maayos ang mga vitamins,maging ang mango cake ay itinago ko din ng maayos.

Mabilis kong naipasok sa ilalim ng unan ang phone ko ng biglang bumukas ang pinto.

Ang malamig na tingin ni mama ang bumungad sa akin.

"Ma!" Gulat na sambit ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at tinitigan ako.Kinakabahan ako sa tingin niya.

"Mamaya ang dating ng doctor.Kailangang hangga't maaga ay matanggal ang batang iyan sa tiyan mo."

Bago ito makalabas ay nahawakan ko ang kamay ni mama.Nagmamakaawa ang tingin ko sa kanya.

"Ma..Wag ganito.Ako na lang po ang parusahan ninyo.Wag nyo ng idamay ang anak ko." pagmamakaawa ko.

"Malaking kahihiyan ang ginawa mong ito sa pamilya natin,lalo na sa amin ng papa mo."

Nanatiling bingi si mama at nagpatuloy sa paglabas ng kwarto.

"Ma!!!!" malakas na sigaw ko.

Wala na akong pakealam kung malakas ang iyak ko.Gusto kong ibuhos ang nararamdaman ko sa pag-iyak.

Nang maalala ko ang cellphone ay kinuha ko ito sa ilalim ng unan.

"Babe..Anong sinasabi ni Tita na doctor?" nag-aalalang tanong ni Alexius habang kausap ko siya sa phone.

Batid kong salubong ang kilay nito ngayon.

"A-alexius...Alisin mo na ako dito.." pagmamakaawa ko sa kanya.Hindi ko kayang mawala ang anak ko sa akin.

"Babe! calm down! Fuck! Bakit pinapapunta ni tita ang doctor dyaan?May masakit ba sayo?May nangyari ba?Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"  sunud-sunod na tanong niya.Patuloy sa pag-agos ang luha ko.

"Ba-Balak ni mama na ipatanggal si baby sa tiyan ko." nanginginig na boses na sabi ko.

"What! Fuck! Tangina!" Dama ko ang matinding galit ni Alexius.

Nakarinig ako ng may kung anong nabasag.Hanggang sa marinig ko ang boses ni kuya Caiden na pinipigilan sa pagwawala si Alexius.

"Alexius!" tawag ko sa pangalan niya.

Walang sumasagot sa akin.Puro ingay at sigawan lamang ang naririnig ko sa background.Kinakabahan ako sa maaari niyang gawin.

"Alexius." ulit ko sa pagtawag sa pangalan niya.

Hindi nagtagal ay biglang tumahimik sa background.Inilayo ko pa ang phone ko sa tenga at tinignan ito dahil baka naputol na ang tawag pero nakahold pa din ang tawag niya.

"Babe..iaalis kita dyaan.Trust me hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masmaa sayo at sa anak natin.Damn! Makakapatay ako sa oras na maisakatuparan nila ang balak nila kay baby." Galit na sabi nito.

Napapikit ako sa sinabi niya.

"I love you.." usal ko.Gusto kong pakalmahin siya ngunit hindi ko alam kung paano.

"I love you too.." sagot ni Alexius.

Bago matapos ang pag-uusap namin ay ibinilin niya sa akin na inumin ko ang vitamins at kainin ko ang cake na binili niya.Sinabi din niya na maging alerto ako sa paligid.Sinisiguro daw niya na ngayong araw ay maiaalis niya ako dito at magkakasama na kaming dalawa.

----

Kinagabihan ay naging alerto ako sa mangyayari.Nakabantay ako sa pintuan na para bang bigla na lang dadating ang mga doctor.Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hinaplos ko ang aking tiyan at ngumiti ng bahagya.

"Baby..Makakasama na natin ang daddy mo." usal ko.

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto.Nanlaki ang mata ko at kinabahan ako ng makita ko ang mga tatlong taong naka suot ng puti at may face mask.Tanging mga mata lamang nila ang nakikita.

"L-lumayo kayo sa akin." Nanginginig na sabi ko.

Hindi ito nagsalita.Bagkos ay patuloy itong lumalapit sa akin hanggang sa napasiksik ako sa gilid.

Sa labas ng pinto ay nandoon si mama na nakatingin sa akin.

"Ma! Tama na po.Wag nyong idamay ang anak ko!" Hiyaw ko ng mahawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang lalaki na nakaface mask din.

Maya't-maya ako tumitingin sa pinto at umaasang biglang dadating si Alexius at ililigtas ako.

Hindi pwedeng mawala ang anak ko!Hindi pwede!

"Dalhin nyo na yan." Balewalang sabi ni mama.

Nauna itong lumabas at naiwan ang tatlong lalaking naka puti at natatakpan ang mga ilong at bibig.Nasa labas naman ang mga taga bantay na nakatingin din sa amin.

Pilit akong nagpupumiglas sa mga lalaking nakahawak sa kamay ko.

Nadagdagan pa ang takot ko ng makita ko ang isa pang kasama nila na may kung anong inilabas na likido na nasa bote at injection.Tinaggal nito ang takip ng bote at itinusok ang injection sa loob ng bote saka dahan-dahang nahihigop ng injection ang likido nito.

Iniangat ito ng lalaki at pinatulo sandali uoang mawala ang namuong bula sa loob.Pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa akin.

Wala na akong tigil sa kakasigaw at kakatawag sa pangalan ni Alexius na sana ay iligtas kami.Ngunit walang Alexius na nagpakita.

Nakalapit ang lalaki sa akin.Habang ang dalawang nakahawak sa kamay ko ay lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

Napasigaw ako ng may maramdaman akong tumusok sa braso ko.

Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina at nawalan ng lakas na lumaban.

Asan ka na Alexius...

Hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon