Thirty-oneKanina pa ako pasilip-silip sa labas ng bintana ng sasakyan.Kanina ko pa pinagmamasdan si Alexius na nakapila sa counter dahil sinabihan ko siyang bilihan ako ng mango cake.Pinayagan na akong makalabas ng ospital ngayong araw na ito.Wala pang nakakaalam na kahit sino na buntis ako at yun ang hiniling ko sa kanya na ilihim muna namin dahil naghahanap lang kami ng tiyempo na ipaalam sa lahat.
Mula dito ay kitang-kita ko kung gaano kakisig si Alexius.Hindi nga ako mapakali kanina.Hindi ko alam kung pansin niya ang nangyayari sa akin.Sa simpleng pagdikit lamang kasi ng balat niya sa akin ay nagiging mainit na ang pakiramdam ko.
Mariin kong isinara ang hita ko at ilang beses akong bumuntong-hininga.Hindi ko alam kung tama ba ito pero I feel wet down there.Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Pansin ko din na maya't-maya ang pagtingin ni Alexius dito sa direksyon ko.Nahinto lamang iyon ng kausapin na siya ng cashier.
Napagpasyahan ko munang lumabas ng sasakyan niya upang pahupain ang init na nararamdaman ko.Simula ng mabuntis ako ay pakiramdam ko madalas akong mag-init.Lalo na ngayon na nakikita ko si Alexius at sa tuwing magdidikit ang balat namin.
Umupo ako sa hood ng sasakyan at inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng cellphone ko.Napatigil lamang ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Anika?" pag-angat ng ulo ko ay si Larence ang nakita ko.
Agad na umusbong ang galit sa dibdib ko dahil sa naalala kong ginawa niyang kapangahasan sa akin.Galit ko siyang tinitigan at nagtaka siya sa inasal ko.
"What are you doing here?" malamig na tanong ko.
Kita ko ang sakit na sandaling dumaan sa mukha niya dahil sa asta ko.
"May binili lang ako sandali tapos nakita kita kaya lumapit na ako." seryosong sabi niya.
"Umalis ka na.." usal ko.Kahit galit ako sa kanya inuunawa ko na lang dahil ayoko na ng gulo.Pero may bahagi pa din ng pagkatao ko na gustong malaman kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon.
"Sinong kasama mo?Alam mong delikado ngayong gabi na nag-iisa ka dito." pambabalewala niya sa sinabi ko.
Napapikit ako at nainis.Ayoko silang magpang-abot ni Alexius dahil siguradong magkakagulo sila.Hindi ko alam kung makokontrol ni Alexius ang galit niya kay Larence lalo na at alam na nito na si Larence ang may kagagawan kung bakit kaming dalawa nag-kasira.
"Umalis ka na please lang." pakiusap ko.Kahit papaano ay naging kaibigan din ang turing ko sa kanya at ayoko namang mapahamak din siya.
Ngunit sadya talaga atang napakatigas ng ulo niya dahil lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang braso ko.Napapiksi ako dahil sa ginawa niya.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na lang si Larence na natumba sa sahig.At may malakas na bisig na pumalibot sa bewang ko.
"Damn you! Ang lakas ng loob mong magpakita kay Anika!" sigaw ni Alexius at agad na sinugod muli ng suntok si Larence na katatayo lamang mula sa pagkakabagsak sa sahig.
Napahiyaw ako sa takot at gulat.Kita ko na gumaganti din si Larence ng suntok kay Alexius.Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa at pilit silang inaawat.Nagkataon pang walang taong dumadaan dito ngayon.
Halos kumalabog ang puso ko ng makita kong pareho silang may dugo sa bibig."Ano ba!Tumigil na kayo!" galit na bulyaw ko sa dalawa.Hinila ko si Alexius at niyakap ko siya upang hindi siya makalapit kay Larence.
"Gago ka! Tingin mo palalampasin ko ang ginawa mong paninira sa relasyon namin ni Anika!?" sigaw ni Alexius.kitang-kita ko kung paano mag-igtingan ang panga niya sa galit.Halos kuyom na kuyom ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...