Chapter 23

351 10 0
                                    


Twenty-three

Maaga akong pumasok sa school.Di ko maiwasang luminga-linga sa paligid.Ilang araw na din ang nakakaraan buhat ng mangyari ang trahedya sa akin.

Nakita kong naglalakad si Alexius sa hallway.Kakawayan ko sana siya ng bigla siyang umiwas ng tingin at lagpasan ako.

Napatulala pa ako dahil pansin ko nitong mga nakaraang araw ay hindi nya ako kinakausap,o mas tamang sabihin na iniiwasan niya ako.Ilang beses ko siyang tinatawagan ngunit hindi nya sinasagot.Maging ang mga text messages ko ay hindi din nya nirereplayan.

Sobrang sakit,kasi hindi ko alam kung ano ang problema.Hindi ko alam kung bakit sya ganyan.Sa tuwing magsaslaubong ang mata namin ay bibigyan lamang niya ako ng malamig na tingin.Mas madalas nga ay blanko pa.

Lumingon ako sa dinaanan nya at pakiramdam ko ay maiiyak ako.Tanging likod lamang niya ang nakikita ko.Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay kumikirot ang puso ko.

Mabigat ang loob ko ng pumasok ako sa room.Nagtama ang paningin namin ni Larence at nag ngitian kami sa isa't-isa.Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.Batid kong kahit pilitin kong ngumiti ay bakas pa din ang kalungkutan at pagkabalisa ko.

Simula ng mailigtas ako ni Larence ay naging malapit kami.Tanggap naman nya na wala talagang pag-asa na magkagusto ako sa kanya.Naging magkaibigan kaming dalawa.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa canteen.Gusto kong komprontahin si Alexius kung bakit kami biglang naging ganito.

Pagdating ko sa canteen ay agad ko siyang nakita.Kasama nya ang ibang pinsan namin.Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko saka ako nagdisiyong lumapit sa kanila.

"Anika,sayo na itong pagkain.Talagang binili ko ito sa iyo." Alok ni Calum.

Wala si Selene at Cloe ngayon dito.Hindi ko magawang kainin ang pagkain na nasa harap ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.Pasimple kong sinusulyapan si Alexius na ngayon ay tatawa-tawa dahil sa sinasabi ni Calum.

Hindi ito sumusulyap o tumitingin man lang sa akin.Pakiramdam ko ay hangin lamang ako sa kanyang paningin.

"Are you ok?" nagtatakang tanong ni Kuya Caiden.

"Y-yes." mahinang usal ko.

Naningkit ang mata ni Kuya Caiden habang nakatingin sa akin.Agad kong itinago ang kamay ko dahil pansin ko na sinisipat niya ito.Napapapitlag ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Nagulat siya sa reaksyon ko at lalong naningkit ang mata.Maging si Calum ay napatingin na din sa amin.

"May problema ba?" takang tanong nito.

Umiwas ako ng tingin at sa pagbaling ko sa ibang direksyon ay nagkasalubong ang mga mata namin ni Alexius.Nag-iigtingan ang bagang nito at mabibigat ang tingin na binibitawan sa akin.Di ko kayang salubungin ang mata nya.Nasasaktan ako.

"Ok lang po ako." usal ko.

Ikinuyom ko sa ilalim ng mesa ang kamay ko.Nakalimutan kong isuot ang relos ko kanina.Nakalimutan kong hindi pa din nawawala ang bakas ng ginawa ko sa palapulsuhan ko.Sa tuwing nakikita ko ito ay muling bumabalik ang alalala ko sa masamang pangyayari sa akin.

Lalo na sa tuwing gabi at mag-isa lamang ako.Pakiramdam ko ay nilalamon ako ng kadiliman,kalungkutan at takot.Madalas kapag hindi ako makatulog ay kinakailangan kong dumipende sa gamot.

Bumalik sa pakikipag-usap si Kuya Caiden kay Calum.At ng tignan ko si Alexius ay may kausap ito sa cellphone nya at panay ang ngiti.

Ilang beses akong lumunok upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko.Masaya sya habang ako ay heto na naman ang pakiramdam na para akong nasa isang madilim na lugar at pakiramdam ko ay gusto kong maglaho na lang bigla.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon