Chapter 22

343 10 0
                                    


Twenty-two

Nagtalsikan ang butones ng damit ko at naramdaman ko ang hapdi sa balat ko.Dahil sumayad ang kuko nito.Ngumisi ito at parang asong-ulol na dinilaan ang labi.

"Putcha!Ang ganda mo ineng!Ang sarap mong lamutakin." Sabi ng driver.

Ilang beses pa akong nangpupumiglas ng maramdaman ko ang magaspang na kamay nito na nilalamutak ang dibdib ko.

Wala ding tigil ang pagtulo ng luha ko at ang paghagulgol ko.Nandidiri ako sa lalaking ito.Nandidiri din ako sa sarili ko.Pakiramdam ko ay napaka dumi ko.

"Wag po!" usal ko.

Nakasilip ako ng pagkakataon ng lumuhod ito at buksan ang zipper nya.Agad kong sinipa ang ari nito at mabilis akong bumangon.Namilipit ito sa sakit.Hinubad ko ang suot kong sapatos at ibinato sa kanya.

Kahit hirap ay tumakbo ako palayo.Wala na akong pakealam kung ano ang itsura ko.Wala na akong pakealam kung sira ang suot kong damit.Hindi ko na din ininda ang pananakit ng paa ko.Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makalayo ako.

"Putang ina kang babae ka..Pag naabutan kita papatayin kita!!" malakas na sigaw ng lalaki.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakakita ako ng pag-asa ng matanawan ko ang kalsada.

Bago pa ko makarating duon ay may malakas na pwersang humila sa buhok ko.Bumagsak ako sa lupa at halos manginig ang laman ko ng ang mukha ng lalaki na parang demonyo kung makatingin.

"Akala mo palalampasin ko ang ginawa mo!?" galit na galit ito!

Binigyan nya ako ng dalawang sampal sa magkabilaang pisngi ko.At pakiramdam ko ay halos himatayin ako ng suntukin nya ako sa sikmura.Para akong lantang gulay ng itaas nya ang dalawa kong kamay sa ulunan ko at hilahin niya ang buhok ko.

"Mas maganda ka pag walang kalaban-laban." malademonyong sabi nito.

Ngayon ko lang napansin na pnamumula ang mata nito na parang lutang sa droga.

Nawalan na ako ng pag-asa ng tuluyan na nitong maibaba ang pantalon niya.Itinaas niya ang palda ko at pilit niyang pinaghihiwalay ang hita ko.Nanlaban ulit ako pero suntok lang sa sikmura ang nakuha ko.

Ito ba ang katapusan ko?Nawalan na ako ng lakas na manlaban.Nanghihina na ang katawan ko at halos hindi na ako makahinga ng maayos.

Alexius..

Bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko na lang ang lalaki na nakahiga sa sahig at may kung sino ang pulit-ulit itong sinusuntok.

"P-please...h-help me.." usal ko sa namamaos na tinig.

Nakita kong lumingon ang tagapagligtas ko sa akin.At mabilis akong dinaluhan.

"L-larence.." Kusang tumulo ang luha ko dahil kung sino pa ang taong di ko iniexpect na nandito ngayon ay sya pa ang tumulong sa akin.

"Hey..I'm here..thanks god..You're safe now." naiiyak na sabi nito.Pansin ko ang panginginig nito habang yakap-yakap ako.

"P-please..Wag mong ipapaalam sa mga magulang ko at sa mga p-pinsan ko..Please.." pakiusap ko bago tuluyang magdilim ang paningin ko.

Rinig ko pa ang pagmumura at pagpapanic sa boses niya.


-----

Kulay puting kisame ang nabungaran ko pagdilat ng mata ko.

Nasaan ba ako?

Luminga ako sa paligid at puro puti pa rin ang nakikita ko.Iniangat ko ang kamay ko ng may maramdaman akong makirot.Pag tingin ko ay may dextrose na nakakabit sa kamay ko.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon