Four
"Ok ka lang ba Anika?" tanong ni Tita Lessa sa akin.
"Ok lang ako tita.Hindi lang po ako nakatulog ng maayos dahil sa lakas ng hilik nina Selene at Cloe." pag-dadahilan ko.Agad na sumimangot sina Selene at Cloe,sina kuya Caiden at Calum ay natawa .
Pero si Alexius ay mataman lang na tinititigan lahat ng kilos ko.Ayoko syang sulyapan dahil gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari.
Bukas ang huling araw namin dito sa resort.Mauuna lang na umuwi ang mga magulang namin.Sa loob ng ilang araw na pamamalagi namin dito ay ni hindi ko magawang tignan ng maayos si Alexius.Ginagawa ko ang lahat para lang maka-iwas sa kanya dahil ilang beses din niyang tinangkang kausapin ako.
Pero kahit anong iwas ko at pagsaway ko sa sarili ko na pigilan kung anuman ang namumuong damdamin sa dibdib ko ay natatagpuan ko na lang ang sarili ko na naiirita sa tuwing may kausap siyang babae.Kahit nga simpleng pagdikit lang ng balat ng ibang babae sa kanya ay nag-iinit na ang ulo ko.Ang malala kahit pinsan ko ay pinagseselosan ko na!Dahil lang kay Alexius.
Pero mali eh! PINSAN KO SIYA!
Magiging Incest kung hahahyaan kong lumala kung ano man ang nararamdaman ko.
"Mauuna na kaming umalis ng mga tita mo.Mag-pakasaya ka kasama ng mga pinsan mo." sabi ni Mama.Hinatid namin sila sa kinalalagyan ng sasakyan nila.
Pagkatapos ng maraming bilin at paalamanan ay bumalik kami sa loob ng resort.
"Guys!Swiming tayo." sabi ni Selene.
"Kayo na lang." sagot ko.
"Ang kj mo." sabi ni Cloe habang naka-ankla sa braso ni Alexius kaya naiiirita na naman ako.
"Inaantok ako." nauna na akong mag-lakad papasok sa loob ng cottage.Basta ko na lang ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Narinig ko ang boses nina Cloe at Selene pagpasok nila sa kwarto.
"Hindi ka ba talaga sasama mag-swiming?Anika?" tanong ni Cloe.Tinignan ko siya at umiling ako.
"Kayo na lang." simpleng sagot ko at saka pumikit para hindi na nila pagtangkaang kausapin pa ako.
"Alam mo ba si Lena gustong mag-patulong para makipagkilala kay Alexius." rinig kong sabi ni Selene kay Cloe.
Kilala ko yung Lena na tinutukoy ni Selene.Babaeng mahilig sa gwapo at kung sino-sino ang lalaking nilalandi.Malaki ang dibdib nun na gustong-gusto ng mga lalaki.Well may itsura sya pero mas dyosa pa rin ako sa kanya.Pati nga mga pinsan ko nilalandi din niya.Hindi lang talaga siya pinapatulan dahil ayaw sa kanya nina kuya Caiden at Calum.
"Yung malanding yun?" Bulalas ni Cloe.
"Yeah!Akala nya naman papatulan sya ni Alexius." sagot ni Selene.Ewan pero parang gusto kong patayuan ng rebulto ang dalawa kong pinsan dahil hindi nila tutulungan si Lena na makalapit kay Alexius.
Really?Anika?
Alam kong lumabas na sila dahil naging tahimik na ang loob ng kwarto.Pero maya-maya ay may nag-bukas ng pinto.Hindi na ako nag-abala pang buksan ang mata ko at tignan kung sino ang pumasok sa loob.Dahil alam ko naman na baka sina Selene iyon o si Cloe.
"Selene may nakalimutan ka ba?" tanong ko habang nakapikit.Pero walang sumasagot.Kaya binalewala ko na lang.
Nakaramdam ako ng pag-lundo ng kama sa tabi ko.Bigla akong napadilat ng mata ng may maamoy akong pamilyar na amoy ng pabango.Bigla akong napadilat at nanlaki ang mata ko dahil napakalapit ng mukha ni Alexius sa akin.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...