Nineteen
"A-Alexius,baka hanapin ako nina Mama at Papa!" nagpapanic na sigaw ko.
Pabalya nya akong pinaupo sa loob ng sasakyan nya.Nanatili lamang siyang tahimik at nakatutok sa daan.Napakapit ako sa seatbelt na nakasuot sa akin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Alexius sa sasakyan nya.
"P-please pakibagalan ng pagpapaandar." naiiyak na sabi ko.Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi sya nagsalita o sumulyap man lang sa akin.Ilang beses pa itong nag-mura bago gawing normal ang bilis ng sasakyan nya.
Ng tumunog ang phone ko ay nakita kong nagtext si mama.Sinabi nito sa text nya na nauna na silang umalis dahil pupunta pa sila sa casino.Si Alexius na daw ang bahalang maghatid sa akin pauwe dahil magpapasama daw ito sa akin.
Ang sumunod na mensahe ay galing kay Larence.Ngunit bago ko pa ito mabasa ay marahas na hinablot ni Alexius ang cellphone ko.At napasigaw pa ako ng basta na lamang niya ibato ang phone ko sa labas ng bintana ng sasakyan nya.
"B-bakit mo tinapon ang phone ko!" galit na sabi ko.Sumosobra na sya!Hindi ko nga alam kung anong kinagagalit nya eh.
"Bakit?Balak mong itext ang gago na yon?!" galit na sabi nya.
Napamaang ako sa sinabi nya.At nakagat ko ang labi ko dahil sa inis.
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo Alexius!" sagot ko sa kanya.Pinipilit kong magpakahinahon dahil ayokong sabayan ang init ng ulo nya.
"Really?So kaya pala mas pinili mo pang maki pag-date sa kanya?" sakristong sabi nito.Halos mamula na ang kamao nito sa higpit ng hawak nya sa manibela.
"Anong pinag-sasabi mong date?" naguguluhang tanong ko.
Lalong nag-igtingan ang panga nito sa sobrang galit.
Napahawak ako sa noo ko ng mapagtanto ko kung anong kinagagalit nya.
Bago pa ako nakapagpaliwanag ay huminto na ang sasakyan nya.Pabalibag niyang binuksan at isinara ang pinto ng sasakyan nya pagbaba nya.Mabilis din siyang umikot at pinagbuksan ako ng pinto.Halos magkanda-tumba-tumba ako dahil sa mabilis na paglalakad nya habang hila-hila ako.
Nakarating kami sa resthouse nya.Tanging ilaw lang na naggaling sa poste ang nagbibigay liwanag sa daan.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa loob ng bahay ay agad nya akong siniil ng halik.Yung klase ng halik nya ay mapusok,marahas at mapag-parusa.Ngunit lahat ng iyon ay tiniis at kinaya ko.
Alam ko na kung ano ang ikinagagalit nya.Hahayaan ko muna siyang huminahon bago ako magpaliwanag.Tingin ko ay na misinterpret niya ang mga nangyayari.
Nanlaki ang mata ko ng itulak nya ako pahiga sa sofa.Tatayo sana ako ngunit natigilan ako ng makita ko siyang hinuhubad ang suot nyang damit.
"A-anong ginagawa mo?" tarantang tanong ko.
Naningkit ang mata nito habang patuloy na nagtatanggal ng suot.Napaiwas ako ng tingin ng tanging boxer na lang nya ang naiwan na saplot nya sa katawan.
Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong daganan.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.Hindi pa din nagbabago ang madilim na tingin nito.
Bigla nya akong siniil ng marahas na halik.Halos malasahan ko na ang lasang kalawang dahil sa rahas ng pagkakahalik niya.
Sinubukan ko siyang itulak ngunit hinawakan lamang niya ang dalawang kamay ko at itinaas ito sa ulunan ko.Hindi nagtagal ay nagbago na ang paraan ng paghalik nito.Ngayon ay maingat at may pagsuyo na.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...