Chapter 10

464 9 0
                                    


Ten


"Lahat ng sinasabi mo totoo..Pero ang tanong sya ba ang mahal ko?" tanong ko kay Alexius.Umawang ang labi nito at natulala sa akin.

"Anika.."

"Sabihin na nating,oo..Kung sya ang pipiliin ko hindi ako mahihirapan ng ganito.Madali ang lahat para sa akin.Pero ito." itinuro ko ang kanang dibdib ko at napatingin siya duon. " Hindi madaling turuan ang puso sa kung sino man ang gustong itibok nito.Ikaw ang isinisigaw ng puso ko Alexius..Kahit alam kong bawal at incest,pero tanga nga siguro ako dahil mahal na mahal kita." naluluhang sabi ko.

"Babe..Thank you..Thank you for choosing me..Mahal na mahal kita.." niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita Alexius."

"Kung dumating man ang oras na malaman nila ang relasyon natin handa kitang ipaglaban..But please promise me na hinding-hindi ka bibitiw..Na lalaban ka kasama ko."

"I promise.." sagot ko.

Yes! Handa ko siyang ipaglaban sa kahit na sino.Kahit pa sa pamilya ko.Laging siya pa rin ang pipiliin ko sa huli.Siya lang..Si Alexius lang..

Hindi din kami nagtagal sa resthouse na pinagdalahan sa akin ni Alexius.Nalaman ko na sa batangas pala iyon at siya ang may-ari nun.Hindi alam ng pamilya niya na binili niya iyon.Pagdating sa bahay ay wala sila mama kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag pa kung saan ako nanggaling.

Maayos na din kaming dalawa ni Alexius at balik na naman siya sa routine niya na hatid sundo ako sa bahay,hanggang pagpasok sa room.

"Babe,punta tayo sa condo?" tanong ni Alexius sa akin.Uwian na namin at heto siya't sinundo ako.

"hmm..Sige basta ipagluluto mo ako ng pasta ha?" nakangiting sabi ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi tapos ay ngumiti ng malaki.Nagtaka ako ng may inabot ito mula sa likuran ng sasakyan.

"Happy monthsary babe." napangiti ako ng ibigay niya sa akin ang isang boquet ng red rose.Bigla akong napaluha ng wala sa oras.

"Hey! what's wrong?"

"A-akala ko nakalimutan mo na eh." naiiyak na sagot ko.He chuckled.

"Hindi ko makakalimutan yung masayang araw natin babe.I'm sorry if medyo nawalan ako ng time sa'yo dahil sa competition." Sabi nito habang tinutuyo ang luha sa pisngi ko.

I shooked my head. "Naiintindihan kita.Ang galing mo nga eh..ikaw ang champion sa competition,Proud na proud ako sayo,babe." sabi ko.

"It's because of you,ikaw ang inspirasyon ko para manalo."

ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.Namumula na ang mukha ko.kinikilig ako.

"Happy monthsary din.I love you Alexius."

"I love you too..Kinikilig ako babe." bulong nito sa akin.

Nakarating kami sa supermarket dahil bibili daw siya ng ingridients para sa pasta.Kinuha niya ang isang cart at habang tulak-tulak ito ay ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ko.Tumingin-tingin ako sa paligid dahil baka may kakilala kami na makakita sa amin.Mukhang nakaramdam naman si Alexius  dahil binitawan nya yung kamay ko at muling ibinaling ang tingin sa paligid.

Nasasaktan talaga ako eh.Alam ko na isa din sa pareho naming gusto ay makapaglakad sa harap ng publiko na magkahawak-kamay.Ikiniskis ko ang kamay ko sa damit ko at nag-isip.

Pwede naman siguro di ba?Monthsary namin ngayon,alam kong mapapasaya ko siya sa gagawin ko.Mabilis ang hakbang ko papunta sa pwesto n'ya.Nasa stall siya ng mga noodles at duon ay namimili siya ng bibilihin.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon