Twenty-sevenPagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ng mga katulong namin.
Narinig ko pang sumigaw ang isa sa kanila at sinabing nakarating na ako.Bago pa ako malapit sa pinto ay bumugad na ang mukha nila mama at papa sa akin.
Napamaang ako ng bigla akong yakapin ni mama habang siya ay umiiyak.Maging si papa ay bahagya ding nagpunas ng luha nya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon.Alam kong nag-alala sila sa akin.Pero nakakapagod ng makaramdam ng kahit ano.
Hindi ko napansin na maging ang mga pinsan ko at maging ang mga tita at tito ko ay nandito din.At alam kong nag-aabang sila sa pagdating ko.
Sandali akong natigilan ng mahagip ng mata ko si Alexius na nakahalukipkip na nakatingin sa akin.Nakasandal ito sa pader habang may hawak na tasa ng kape.
Agad akong nag-iwas ng tingin at binalingan si mama.Hinaplos-haplos ko ang likod niya at lumayo na siya sa kin ng bahagya.
Hinawakan nito ang aking pisngi ngunit wala akong maramdaman na kahit na ano.Bakas ang pagtataka nito sa inaasal ko.Alam kong blanko ang mukha ko ngayon.
"Anak saan ka ba nanggaling kagabi?Nag-alala kami sayo.Ilang beses ka naming sinubukang tawagan pero naka patay ang cellphone mo." tanong nito.
Maging ang mga taong kasama namin ay nag-aantay din ng sagot ko.Huminga ako ng malalim at inalis ang kamay ni Mama aa mukha ko.Bakas ang sakit sa mukha nito dahil sa ginawa ko.
"I'm ok." sa halip ay sagot ko.Wala akong ganang magpaliwanag pa.
Lumapit sina tito at tita sa akin at niyakap ako.Nanatili lamang akong tahimik at blanko ang mukha.Ano ba ang dapat kong maramdaman?Maging ang mga pinsan ko ay lumapit din sa akin maliban kay Alexius na kung tignan ako ay para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya.
"What happen to your hand?" takang tanong ni kuya Caiden sa kamay kong may benda.
Hinawakan niya ito at napapitlag ako.Agad kong binawi ang kamay ko at itinago ito sa likod ko.Umiling ako at umiwas ng tingin.Naguluhan ito sa inasal ko maging ang iba ay ganun din.
Umiling-iling ako at bahagyang umatras.Kita ko ang pagtatanong sa mukha nila.Umalis ako sa harap nila at umakyat sa hagdan.Nakasunod lang ang mga mata nila sa akin ngunit binalewala ko lamang ito.
"Anika.." tawag ni mama at papa.
Maging sina Cloe at Selene ay tinatawag din ako.Nanatili akong bingi at nagpatuloy sa paglalakad.Pagpasok ko sa kwarto ay inilock ko ito ng maayos at saka pabagsak na humiga sa kama.Madilim sa loob ng kwarto ko dahil nakababa lahat ng makapal na kurtina at hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw o ang kurtina.
Napatingin ako sa pinto ng kumalabog ito at marinig ang boses nila mama.Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan ang ginagawa nilang pambubulabog sa pinto ko.Ilang beses nilang tinatawag ang pangalan ko at puro pangangalampag ang ginagawa nila.Alam kong mamaya ay mapapagod din sila.
Masyado akong maraming iniisip ngayon at mas gusto ko ang mag-isa kahit ngayon lang.
Hindi ko na namalayan ang oras na nakatulog ako.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sobrang dilim sa kwarto ko.Kinusot ko ang mata ko at dahan-dahan akong gumapang sa gilid ng kama at binuksan ang lampshade na nasa gilid.
kumalat ang liwanag sa kwarto ko at nanghihina akong napasandal sa headboard ng kama.
Pagtingin ko sa orasan ay seven o'clock na ng gabi.Nagpasya akong lumabas ng kwarto.Tahimik ang buong bahay at nagpasya akong dumiretso sa kusina.Pagdating ko duon ay agad napatingin sa akin ang isa sa mga katulong namin dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...