Chapter 6

537 13 2
                                    

Six


"Sabi na eh! Malingat lang ako sandali umaaligid na naman ang hayop na yun sayo." inis na sabi ni Alexius.

Nagtaka ako kung bakit siya nag-labas ng panyo.Nilabas din niya galing sa bag niya ang isang alcohol at ibinuhos ito sa panyo.
Kinuha niya ang kamay ko at maingat itong pinunasan.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.Seryosong-seryoso ito sa pag-pupunas.Nakakunot pa ang noo nito na parang dito nakasalalay ang kaligtasan ng mundo.

"Nahawakan ka ng surot kaya kailangang linisan." nakakunot pa din ang noo nito at hindi nag-angat ng tingin.

Muntik na akong mapahagalpak ng tawa ng ma-gets ko kung sino ang sinasabi niya.Kung ganun ay nakita pala niyang hinawakan ni Larence ang kamay ko.Maya-maya ay binitawan na din niya ang kamay ko.Tingin ko ay dapat pa din akong magpaliwanag.

"Iniiwasan ko naman siya eh.Hindi nga ako pumayag na magpahatid sa kanya dahil alam kong magagalit ka." mahinang sagot ko.

"Alam ko naman yun..Malaki ang tiwala ko sa'yo babe...Pero fuck lang! Wala akong tiwala sa mga lalaking umaaligid sa'yo.." inis na turan nito.

"Kumalma ka please." pakiusap ko.Ayoko kasing nakikita na parang nayayamot siya.

Himinga siya ng malalim.Ng sandaling mahinto ang sasakyan namin dahil sa trafic ay ginagap niya ang kamay ko at dinala sa labi niya at pinatakan ng halik.

"Ano bang dapat kong gawin para malaman nilang akin ka na Anika?" tila nahihirapang sabi nito.Napalunok ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. "Walang ibang pwedeng umangkin sa'yo maliban sa'kin..Anika.. Sa akin ka na eh." dagdag nito.

Natinag lamang kami ng dahil sa malakas na busina ng kasunod naming sasakyan.Pagtingin ko sa harap ay umandar na ang nasa harapan naming sasakyan kaya pinaandar na din ni Alexius ang sasakyan niya.

"Mahalin mo lang ako..Alexius.Iyo naman talaga ako eh." mahinang sabi ko na alam kong narinig niya dahil ngumiti ito ng malapad.

"Damn! Nababaliw na talaga ako sa'yo babe." anas nito.

"Akala ko ba may practice ka ngayon?" binigyan ko siya ng nag-tatakang tingin.

"Yeah..Pero nag-paalam ako saglit para maihatid ka.Babalik ako mamaya sa school pagkahatid ko sayo."

"What?" gulat na sabi ko. "Mapapagod ka sa ginagawa mo." dagdag ko pa.Pinag-taasan ko siya ng kilay.

Kinibit lang nito ang balikat niya. "Nah! ok lang mapagod basta ba ikaw ang dahilan." sabi niya.

Nag-init ang mukha ko dahil duon!Damn Alexius Monteverde!Ang hilig mong magpakilig.

"At saka nararamdaman ko na may surot na lalapit sa'yo." nakangising sabi nito. "Ayoko pa namang mahahawakan ka  ng kahit sino.Ako lang ang pwede babe."

Pagdating sa bahay ay hindi ko na pinababa pa si Alexius dahil kailangan na niyang bumalik sa practice.Humalik lang ako sa kanya saka niya pinasibad paalis ang sasakyan.

"Ma,good afternoon po." bati ko kay mama ng mabungaran ko itong nagdidilig ng halaman.Ganyan si mama tuwing nandito siya at walang trabaho.Lagi niyang dinidiligan ang halaman tuwing hapon.

"Oh!Anak si Alexius ba ang nag-hatid sayo?" tanong ni mama ng pagkatapos kong humalik sa pisngi niya.

"Ah..Y-yes ma." kinakabahang sabi ko.Baka kasi nakita niyang hinalikan ako sa labi ni Aexius.

"Bakit hindi mo muna pinapasok ang pinsan mo?" nakangiting sabi ni mama.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa ding alam si mama.Pero masakit pa din pala kapag sinasabing 'PINSAN' ko si Alexius.Napahinga ako ng malalim.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon