Chapter 15

406 8 1
                                    

Fifteen

Sa mga nagdaang araw ay busy kami sa pagpapractice para sa gaganaping battle of the beauties.

"One,Two..One,two,three,four." sigaw ng baklang choreographer namin.Umiikot-ikot ito na sya namang ginagaya namin.

Kasalukuyan kaming tinuturuan ng step para sa gagawin naming pagsasayaw ng sabay-sabay sa stage.

Hindi naman ako nahirapang makasunod sa step dahil ilang beses na naming pinraktis ito at hindi naman mahirap.

"Very good!Pwede na kayong magpahinga." nakangiting sabi nito.

Pawis na pawis ako ng sumalampak ako ng upo sa bleacher.Kinuha ko ang bimpo sa loob ng bag ko at saka ako nag punas ng pawis sa mukha ko pababa sa leeg ko.

"here." inabot ni Larence sa akin ang isang bote ng gatorade.

Tinanggap ko ito at ngumiti."Thanks."

Ngumiti ito pabalik saka umupo sa tabi ko.

"Ready ka na ba para bukas?" tanong nito.

Uminom muna ako bago siya sagutin. "Yeah..I think?" natatawang sabi ko.

Natawa din ito saka tumingin sa paligid.Wala na ang akwardness sa pagitan namin ni Larence,nilinaw ko naman na ng ilang beses sa kanya na wala syang aasahan sa akin and I hope na makalimutan nya na kung anuman ang nararamdaman nya para sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.Napangiti ako ng mabasa ko ang message ni Alexius.

Alexius :

Babe,where are you?

Hindi pa ako nakakapagreply ng biglang mag-ring ang cellphone ko.Damn!
I cleared my throat.

"Hello." sagot ko.

"Hi babe..Where are you?" tanong nya sa kabilang linya.I chuckled.

Naiimagine ko kasi na nakasambakol na naman ang mukha nito.Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya na may last practice kami ngayon dahil bukas na yung contest.

"Gym." simpleng sabi ko.

"Ok..Wait me there." sabi nito saka pinutol ang tawag.

Napanguso ako.Galit na naman ata sya.Nakalimutan ko kasing sabihin eh.

"Hey! Pinapasabi nga pala ni Mommy goodluck sa atin para bukas." sabi ni Larence.Close kami ng mommy ni Larence dahil magkaibigan ang mga magulang namin.

Napaka vocal nga nun na Gustong-gusto nya ako para sa anak nya na sa tingin ko ay malabong mangyari dahil hanggang kaibigan lang ang pwede kong ibigay sa anak nya.

"Talaga?Pakisabi kay tita salamat." sincere na sabi ko.

Ngumiti ito ng malawak. "Kapag nanalo daw tayo ipagbebake ka ni mommy ng cake na paborito mo."

Biglang nagningning ang mata ko. "Really!?"

"Yes..Yung favorite mong strawberry cake." nakangising sabi nito.

Para tuloy akong naglaway. "Pakisabi kay tita asahan ko yan ha?"

Paborito ko ang cake na gawa ni tita at lagi nya akong pinapadalahan sa bahay sa tuwing may oras siyang magbake.Nagtawanan kaming dalawa ni Larence dahil naalala na naman namin ang kakulitan ng mommy nya.

"Anika.."

Napalingon ako sa nagsalita.Nakita ko ang madilim na mukha ni Alexius habang nakatayo malapit sa amin.Sa pagiging busy namin sa pagkukwentuhan ni Larence ay hindi ko napansin ang pagdating nito.Bago pa siya magwala ay tumayo na ako at sinamsam ang gamit ko.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon