Chapter 40

401 11 0
                                    


Fourty

"Where are you going?" takang tanong ko kay Alexius ng makita ko itong nakabihis.

Tanghali na at kakatapos lang niyang maligo.Samantalang ako ay nandito sa sala at nakaharap sa tv.Nanonood ako ng cartoons.Napailing na lamang ito ng makita ang pinapanood ko.

"I'm going to meet someone." sagot nito habang inaayos ang pagkakatupi ng manggas sa braso niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino?Babae?" di ko mapigilang tanong.Maisip ko pa lang na babae ay nagpupuyos na ako sa galit.

"Ikaw lang naman ang babae ko." masuyo nitong sagot sa akin.Saka lumapit at hinalikan ako sa sentido.Napanguso ako sa ginawa niya.

"Sinong kasama ko dito?" parang batang tanong ko.Itinalikod ako ni Alexius at niyakap sa likod.Inipon niya ang buhok ko saka inilagay sa kabila.Ipinatong naman niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Pupunta dito si Aling Roda,yung matandang babae na nandyan sa kabilang baryo nakatira.Napakiusapan ko na siyang samahan ka muna dito hanggang sa makauwe ako."

Si Aling Roda ay mabait na matanda na nagtitinda ng kakanin.Ito din pala ang katiwala ni Alexius dito sa Isla kapag wala siya.

"Wag kang magtatagal ah?" 

"Opo." nakangiti ito.

Hindi nagtagal ay dumating si Aling Roda.Binilinan muna ito ni Alexius bago umalis.Pagkatapos akong halikan ni Alexius sa labi ay umalis na ito sakay ang sasakyan.

"Alam mo iha nakikita ko kung gaano ninyo kamahal ang isa't-isa." Nakangiting kumento ni Aling Roda.

"Salamat po nay." sagot ko.

"Magiging maayos din ang lahat para sa inyong dalawa at sa magiging anak ninyo." dagdag pa nito.

Napangiti ako.Hindi ko alam kung may alam si Aling Roda tungkol sa sitwasyon namin ni Alexius.Kaya't minabuti ko na lamang na ngumiti at hindi na magbigay pa ng komento.

Kung ano-ano lamang ang ginawa ko hanggang sa sumapit ang hapon.Nag-alala ako dahil hanggang ngayon ay wala pa din si Alexius.Wala din akong cellphone kaya't hindi ko siya matawagan o maitext man lang kung nasaan na siya.

Naglakad-lakad ako sa may dalampasigan habang nakasuot ng balabal sa katawan.Sa lakas ng hangin ay pakiramdam ko ay nanunuot sa aking kalamnan ang lamig.Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Aling Roda na tinatawag ako.Humahangos ito habang papalapit sa pwesto ko.

Agad na kumalabog ang puso ko dahil sa pagmamadali niya.May nangyari bang hindi maganda?Sinalubong ko ang tumatakbong si Aling Roda.

"Naku iha mag-iingat ka at baka ika'y madapa." suway nito sa akin.

Hindi ko nagawang pansinin ang kanyang pananaway.

"Bakit po kayo nagmamadali?M-may nangyari po bang masama?Si Alexius po? Nandyan na ba?" sunud-sunod na tanong ko.

Umiling ito at hinatak ang kamay ko pabalik sa bahay.Agad akong kinain ng kaba at takot dahil sa isiping may hindi magandang nangyari kay Alexius.

"Nay ano po ba ang nangyari?" naiiyak na tanong ko.

"Maligo ka at isuot mo itong damit na ito." Turan niya at itinuro ang puting bestida na tingin ko ay abot hanggang talampakan ko ang haba.

Naguguluhan akong napatingin kay Nanay Roda.Ngunit inalalayan nya lang ako papasok sa banyo.Kahit gulong-gulo ay wala akong nagawa kundi ang maligo na lamang.Paglabas ko sa banyo ay sinabihan niya akong magbihis na at aantayin na lamang ako sa sala.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon