Chapter 35

324 10 0
                                    

Thirty-five

Isang linggo

Isang linggo na ang nakakaraan buhat ng ikulong ako sa loob ng kwarto ko.Hindi ako pinapayagang makalabas.Hinahatiran lamang ako ng pagkain ng mga katulong dito.Kahit anong pakiusap ko na palabasin ako ay walang nagtangkang tumulong sa akin.Lahat sila ay takot na mawalan ng trabaho o kaya naman ay mapagbantaan ang pamilya nila.Pakiramdam ko ay nasa impyerno na ako dahil wala akong magawa.

Kahit nawawalan na ako ng pag-asa ay kinakain ko pa din ang pagkain na ibinibigay sa akin alang-alang sa anak ko.

Sa loob din ng isang linggong iyon ay inuumpisahan na nila mama at papa na ayusin ang kasal ko.Katunayan nga ay kaaalis lamang ng babaeng nagsukat sa wedding gown na susuotin ko.

Mapakla akong napangiti.

As for Alexius wala akong balita sa kanya.Ang huling sinabi ni mama ay sumuko na ito simula ng sabihin ni Mama na pumayag akong magpakasal kay Larence which is not true.Grabe ang iyak ko ng araw na iyon.Pero pilit kong nilalabanan ang sakit dahil may tiwala ako kay Alexius.Nangako siya sa akin na hinding-hindi niya ako bibitawan at gagawin niya ang lahat para hindi kami magkahiwalay.

Masama ang loob ko sa mga magulang ko dahil sa ginagawa nila.Oo alam kong may kasalanan ako pero tama bang kabayaran ang ganito?

Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko sa side table ang pinagkainan ko.Hindi na ako nag-abala pang sulyapan ang pinto ng marinig ko itong bumukas dahil sa pag-aakalang isa lamang ito sa mga katulong na siyang kukuha ng pinagkainan ko.

Napaangat ako ng tingin ng tumikhim ang kung sino mang tao na nasa loob ng kwarto ko.Nagulat pa ako ng makita ko si mama na nakatayo sa harap ko.

"Ma.." usal ko.

Ang dating malambing na tingin ni mama sa akin ngayon ay malamig na at puno ng pagkadismaya.Hindi ko mapigilang masaktan ngunit binalewala ko lamang ito.Tumikhim muna ako bago magsalita.

"A-ano pong kailangan nyo?" tanong ko.

"Bukas may dadating na doctor dito." Malamig na sabi niya.

Gulat akong napasinghap.Ang lakas ng kalabog ng puso ko.May idea na nabubuo sa utak ko kung bakit may doctor siyang pinapapunta dito pero naglakas loob parin akong magtanong dahil pilit ko pa ding itinataboy sa utak ko ang naiisip ko.

"B-Bakit m-may d-doctor?" nanginginig na tanong ko.

"You need to get rid of that." sambit niya habang nakaturo sa tiyan ko.

Automatiko kong naiyakap ang aking mga braso sa impis ko pang tiyan.Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.

No! Not my baby!

"Wag nyong idamay ang anak ko dito!" galit na sabi ko.Pilit kong nilalakasan ang boses ko upang maitago ang takot ko.But I guess bigo ako dahil hindi man lang natinag si Mama sa kanyang kinatatayuan.

"Kailangang mawala na ang batang yan bago ka pa ikasal.Mananatiling lihim ang anumang namagitan sa inyo ni Alexius.Nakausap ko na si Larence hindi niya ipapaalam sa magulang niya ang nangyari sayo.Handa pa din siyang pakasalan ka kahit nagkasala ka na ng sobra." malamig na sabi nito.Bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay parang patalim na tumutusok sa akin.Masakit..Kung magsalita siya ay parang hindi niya ako anak.Kung tignan niya ako ay parang ako na ang makasalanang tao sa mundo.Ang lastly my baby,paano niya naaatim na idamay ang anghel na walang kmuwang-muwang sa mundo?

"Hindi pwedeng mabuhay ang anak mo.Isipin mo sa oras na mabuhay siya sa mundong ito at malaman na bunga siya ng isang makamundong kasalanan ano ang iisipin ng magiging anak mo?Ano ang sasabihin niya sa oras na malaman ng anak mo na pinsan mo ang kanyang ama?"

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon