Fourty-One
"Everythings gonna be alright." paniniguro ni Alexius sa akin.Ilang beses nya akong pinapakalma habang nasa byahe kami.
Ngayon ay nasa harap na kami ng mansyon.Hindi ko alam kung ano ang mayroon ngayon.Basta ang sabi lang ni Alexius ay kailangan naming harapin ang pamilya namin.
Napapikit ako ng dumampi ang labi nito sa aking pisngi.Tapos ay ngumiti.
"Lets go." yaya nito sa akin.Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay natahimik ang lahat.Gaya nga ng inaasahan ko buong pamilya namin ang nandito.Ang mga tito at tita namin ay nandito din.Maging sina Kuya Caiden,Calum,Selene at Cloe ay napahinto din sa kanilang ginagawa.
Pansin ko ang mapanuring tingin ng ilang mga kamag-anak namin sa aming dalawa ni Alexius.Lalo na sa mga kamay naming magkahawak.Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Alexius kaya napatingin siya sa akin.Dinala niya sa labi niya ang kamay ko at hinalikan.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtalim ng mata ng iba naming kamag-anak.
"Anika!" Sigaw ni Cloe.Lumapit ito sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi.
Napangiti ako sa ginawa niya.Lumapit din sa amin ang iba naming pinsan.
"Umupo na kayo." Sabi ni Kuya Caiden.
Magkatabi kami ni Alexius na umupo.Lahat ng mata ay nakamasid sa mga bawat kilos namin.
"They here." Anunsyo ng isang tita namin.
Napatingin kami sa pinto.Agad na kinabahan ako ng makita ko ang blankong emosyon na mukha nila mama at papa.Kasunod nila sina tita Lessa at Tito Alex na mga magulang ni Alexius.
Wala akong mabasa sa mga mukha nila.Pare-pareho silang hindi kababakasan ng emosyon.
Napatingin sa akin si Alexius at nginitian ako.Kahit kinakabahan ay napilitan akong ngitian siya pabalik.Ramdam ko ang namumuong tensyon sa paligid.
Pagkaupo sa upuan ng mga magulang namin ay agad na nagsalita si mama.
"Dadalhin ko si Anika sa ibang bansa at itutuloy ang pagpapakasal kay Larence." malamig na wika ni Mama.Hindi man lang ito kumurap ng sabihin niya iyon.
Humigpit ang hawak ni Alexius sa kamay ko.
"Hindi mangyayari ang sinasabi nyo Tita.Walang ibang pakakasalan si Anika kundi ako.Tandaan nyo yan!" malakas na sabi ni Alexius na umani ng pagkagulat sa lahat.
"Alexius!" Saway ni tita Lessa dito.
"Hindi kayo pwedeng magpakasal at kahit kailan ay hindi mangyayari dahil magpinsan kayong dalawa!" Marahas na sabi ni Papa.
Ang pakiramdam ko ay ilang libong punyal ang sumasaksak sa puso ko dahil sa nakikita kong gulo na ginawa namin sa pamilya namin.
"Hindi ko hahayaang mapunta si Anika sa kahit na sinong lalaki! Akin si Anika! Magkakamatayan tayo kapag sinubukan nyong ilayo sa akin ang mag-ina ko!" ganting sabi ni Alexius.Kuyom na kuyom ang mga kamao nito.
Napasinghap ang lahat maliban sa mga pinsan namin at ang magulang ko.Batid kong hindi nila alam na nagdadalang-tao ako.
"Jesus!" Tila nahihirapang wika ni tita Lessa.Agad itong dinaluhan ni tito Alex.
"Buntis si Anika!?" Rinig kong tanong ni Tita Natalia.
Agad na tumango si Cloe at Selene.Samantalang sina kuya Caiden at Calum ay umiwas ng tingin.Napayuko ako.Ayokong salubungin ang mga mapang-husga nilang tingin.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Novela JuvenilHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...