Five
"Bakit kasama mo na naman ang gagong Larence na yun,Anika?" galit na sigaw ni Alexius habang walang tigil na hinahampas ang manibela ng sasakyan.
"Alexius,please calm down." hinawakan ko ang braso niya upang patigilin siya sa pagsuntok sa manibela.Namumula na kasi ang kamao nito.
"Paano 'ko hihinahon kung ang putanginang Larence na yan ay walang tigil ang pag-aaligid sayo!" galit pa din siya at nanginginig sa gigil.
Niyakap ko siya at pinatakan ng halik sa labi.Sandali siyang natigilan at ng makahuma ay hinapit ako at pinalalim ang halik.Ako na ang kusang bumitaw sa kanya.Nag-pasalamat na lang ako dahil heavy tinted ang salamin ng kotse ni Alexius at konti lang ang estudyante sa parking.
"Damn!" inis na sabi nito ng lumayo ako ng bahagya dahil hinabol niya ang labi ko kaya agad akong napatawa.
Nag-cross arm siya at tamad na sumandal sa sa upuan.Tingin ko ay medyo kumalma na ito pero batid ko ding hindi pa talaga naaalis ang galit nito.Nakasimangot ito habang nakatingin sa akin.
"Damn it! wag mo kong tawanan,Anika!"
"Tinulungan lang akong--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Binitin mo ako!" frustrated na sabi nito.Napanganga ako sa kanya.Akala ko pa naman kaya ganyan siya na parang galit ay dahil pa din kay Larence,yun pala ay dahil sa pagputol ko ng halik.
Tinawid ko ang distansya namin at sinunggaban siya ng halik.Hindi naman siya nag-pahuli mas pinalalim nito ang halik at halos ayaw na akong tigilan.
Sa loob ng isang bwang relasyon namin ni Alexius ay ganyan s'ya.Seloso at possessive siya pagdating sa akin,lalo na kapag may mababalitaan siyang lalaking umaaligid sa akin.Akala ng iba protective lamang siya dahil pinsan niya ako ang hindi nila alam ay nag-seselos siya sa lahat ng lalaking nakakasalamuha ko.Ok lang naman sa akin yun dahil minsan ganun din ako sa kanya.Lalo na dun sa malanding si Lena na akala mo ay higad kung lumapit kay Alexius.
Naging maingat din kami sa pagtatago ng relasyon namin.Kung si Alexius ay wala siyang pakealam kung malaman ng lahat ang relasyon namin.Pero ako ay mas gusto kong itago dahil unang-una kasalanan sa mata ng diyos,pangalawa ay kaslanan sa mata ng tao.At ang huli ay ayokong masaktan ang pamilya namin sa pinasok naming sitwasyon.Alam kong hindi nila kami matatanggap.
Mag-pinsan kami at alam naming bawal pero mahirap pigilan ang sarili lalo na pag nag-mamahal ka.Totoo nga ang kasabihan na kung ano ang bawal yun ang masarap gawin.
Minsan tinatanong ko kung naging masama ba kaming tao ni Alexius at ganito ang napasok naming sitwasyon.Pakiramdam ko ay pinaglaruan kami ng kapalaran dahil sa bawal na pag-iibigan namin.Bakit hindi na lang sa iba nangyari ang ganito?Bakit sa akin pa?Sa amin.
Gustong-gusto kong ipagsigawan kung gaano ko kamahal si Alexius.Pero hindi ko magawa yun.Gusto kong maranasan ang makipaghawakan ng kamay sa kanya habang nag-lalakad sa daan.Pero mahirap gawin ang mga ganung bagay dahil magdududa ang ibang tao,kung anong relasyon namin ni Alexius.
"Anong order mo?" tanong ni Alexius ng mag-pasya kaming kumain sa fastfood chain dito sa mall.
"Kung ano na lang ang order mo,yun na lang yung sa akin." sagot ko.Nauna akong umupo sa upuan.Hindi din nag-tagal ay dumating na si Alexius na may dala-dalang tray habang kasunod ang isang crew na may hawak ding tray ng pagkain.
"Ang dami naman nito?" takang tanong ko.Napasimangot ako dahil balak ata akong patabain nito eh.
Tinawanan nya lang ako at inayos ang pagkain sa harap ko. "Kumain ka ng kumain para pag-tumaba ka wala na akong kahati sayo." nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...