Chapter 17

380 9 0
                                    

Seventeen

"Tinakot mo ako!Siraulo ka talaga!" sigaw ko kay Alexius.

Grabe ang takot na nararamdaman ko kanina.Siraulo talaga sya.

"Hey!I'm sorry ok?" natatawang sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinaghahmpas sa dibdib nya.Kinabig nya ako at niyakap pero hindi ko pa rin tinitigilan ang pagpalo sa dibdib nya.

"I'm sorry,babe..Hindi ko na uulitin." seryosong sabi nya.

Itinaas ko ang mukha ko at sinimangutan siya.Napahalakhak ito sa ginawa ko.

"Bakit bigla kang nawala kanina?" nakangusong sabi ko.Di ko tuloy maiwasang magtampo sa kanya.

Huminga siya ng malalim at muli akong niyakap.

"Because of this." sabi nya.

Naramdaman ko na lang na may malamig na bagay ang nasa leeg ko.May malaking salamin ang nakadikit sa dingding.Iniharap niya ako duon at niyakap ako mula sa likod.

Nakagat ko ang labi ko ng mapagmasdan ko ang kwintas na inilagay niya sa leeg ko..Hinawakan ko ito at binalot ng kasiyahan ang puso ko.

Nagtama ang mata namin sa repleksyon sa salamin.Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Mahal 'tong kwintas na 'to." usal ko.May maliit na puso ang kwintas habang napapaligiran ng maliliit na batong dyamante ang gilid nito.Simple lang ito pero halatang hindi biro ang halaga.

"Mas mahal kita." sagot nya.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinasabi nya.

Mahal na mahal ko talaga sya.Mabuti na lang at walang estudyanteng dumadaan dito.

Dahan-dahan nya akong iniharap sa kanya ng hindi inaalis ang pagtitinginan namin.Nag-iinit ang mukha ko sa paraan ng pagkakatitig niya.

"Mahal na mahal kita." sambit niya na nagdala ng libo-libong bultahe sa puso ko.

Ngumiti ako at isinampay sa leeg niya ang mga braso ko..

"Mahal na mahal din kita." nakangiting sabi ko.

Ramdam ko ang malamig na pader sa likod ko dahil hindi ko namalayan na naisandal na niya ako.

Humahampas ang maiinit niyang hininga sa mukha ko.Napapapikit ako sa tuwing naaamoy ko ang mabango niyang hininga.

"Congratulation,babe."proud na sabi nya.Napadilat ako ng mata at kita ko ang kasiyahan sa mukha niya.

Di ko maiwasang kagatin ang ibabang labi ko dahil sobrang gwapo nya sa paningin ko.Sa bawat araw na dumadaan ay palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya.At hindi ko na alam kung paano pa ako makakaahon.

Siya ang nagsisilbing hangin ko.Sya lang ang lalaking nagpapatibok ng grabe sa puso ko.I'm afraid na kung dumating ang oras na mawala siya sa akin ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.

Ako na ang kusang tumawid ng distansya namin.Hinalikan ko siya ng buong puso at puno ng pagmamahal.Napangiti ako ng tugunin niya ang mga halik ko.

_______

Nagyayang mag-celebrate ang mga pinsan ko kinabukasan.Pero wala ako sa mood na lumabas.

Bakas sa boses ni Selene ang pagkadismaya dahil sa pagtanggi ko.Sina mama at papa ay bukas pa makakauwi.

Tumawag sila kagabi at proud na proud sila sa akin.

Maya't-maya din ang tawag ni Alexius sa akin at ilang beses akong kinakamusta.Hindi din ako pumasok sa klase ngayon dahil wala akong ganang lumabas ng bahay.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon