Chapter 9

442 13 2
                                    

Nine

Isang linggo ko ng iniiwasan si Alexius.Inaagahan ko talaga ang pagpasok sa school para hindi niya ako maabutan sa bahay.Nalalaman ko na hinahanap niya ako sa bahay dahil sinasabi ni Mama.Ang akala nga nila ay may tampuhan lang kaming magpinsan.Kaya lalo akong kinakain ng guilt dahil duon.Walang kaalam-alam ang magulang ko sa kagagauhang ginagawa namin.

Maging si Larence ay iniiwasan ko din kahit ilang beses din siyang sumubok na kausapin ako.Nakipagpalit pa nga ako ng upuan sa isa kong classmate para lang makaiwas sa kanya.Samantalang si Alexius ay iniiwasan ko din sa school.Lagi akong sumasabay sa kanila kuya Caiden tuwing breaktime at uwian.Walang sinuman sa kanila ang nagtangka pang i-open ang nangyaring gulo nung party ni Selene at nag-papasalamat ako duon.

Napapansin ko din si Cloe na lagi akong tinitignan tapos ay biglang iiling at matutulala.Alam kong alam na niya ang totoo at hindi lang niya ako kinokompronta.

"Hindi pa ba kayo nag-kakaayos ni Alexius,Anika?" tanong ni kuya Caiden sa akin.

Napahinto ako sa akmang pagsubo at napayuko.Hanggat maaari ay ayoko munang makausap si Alexius.Hanggat kaya ko siyang iwasan ay gagawin ko.Mahal ko pa din siya at tingin ko ay hindi na mawawala pa iyon.Gusto ko lang makahinga kahit sandali.Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng dinadala ko.

"Kuya wag na lang po muna nating pag-usapan yun." sabi ko.

He sigh. "Sana maayos nyo na yang problema nyo.Ewan ko dun kay Alexius mukhang hindi sanay na magkaaway kayo eh." natatawang sabi nito.

kinagat ko ang labi ko dahil sa narinig.Nung makita ko siya kaninang umaga ay mukha itong miserable.Gulo-gulo ang buhok nito at damit.Medyo humaba na din ang buhok nito at nanlalalim ang mata na parang ilang araw ng walang tulog.He looked wasted!At nasasaktan ako dun.

"Dapat kasi bawas-bawasan ni Alexius ang pagiging protective niya kay Anika,baka kasi lagyan ng malisya ng ibang tao ang ginagawa niya." sabi ni Selene.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.Lalo akong na-guilty.

"Iba na lang po ang pag-usapan nyo." pigil ko sa kanila agad silang tumango at nginitian ako.Hindi ako komportable na tungkol sa amin ni Alexius ang pinag-uusapan nila.Nasasaktan din ako para kay Alexius sa tuwing hinuhusgahan siya nina Selene.

Naiintindihan ko sila kung bakit ganun sila mag-isip.Pero mas naiintindihan ko din si Alexius dahil may relasyon kami.Natural lang na magselos siya at maging protective sa akin.Ang di lang normal ay ang pagiging magkarelasyon namin dahil magpinsan nga kami.

Alam ko ang pakiramdam na gustong-gusto mong ipagsigawan sa lahat na mahal mo ang isang tao pero bawal.

Ginabi na akong matapos sa ginagawa kong reaserch sa library.Nagtext na lang ako kanina sa kanila kuya Caiden na hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa kanila at sinabi kong magpapasundo na lang ako sa driver namin.

Wala ng masyadong dumadaang sasakyan sa labas ng campus.Kanina ko pa tinitext si Kuya Nardo na driver namin na sunduin ako pero wala pa ding reply.Tumayo ako sa waitingshed at duon nag-antay,plano ko ay sasakay na lang ako ng taxi para makauwi.

Napakunot ang noo ko ng may humintong di kilalang sasakyan sa harap ko at agad akong dinamba ng kaba.Pero nawala lang iyon ng makita kong lumabas ang driver nito.Si Alexius na mukhang ilang araw ng puyat at mukhang napakamiserable.

"Babe.." usal nito habang papalapit sa akin.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Umuwi ka na Alexius,please wag muna tayong mag-usap."  Pakiusap ko.Hindi ko siya magawang tignan ng maayos dahil nalulusaw agad ako at baka bumigay agad ako sa kanya.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon