Two
"Light make-up lang please.." pakiusap ko sa baklang makeup artist na pinapunta ni Tita sa kwarto namin na siyang mag-aayos sa aming tatlo nina Selene at Cloe.Bale tatalo silang mag-aayos aa amin.
"Ok!Gosh! Ang ganda-ganda mo." nakangiting sabi nito habang patuloy ang pag-lalagay ng makeup sa mukha ko.
"Salamat.." Nahihiyang sabi ko.
"Ang gaganda talaga ng mga lahi ng Monteverde at pansin ko lang ikaw lang sa pamilya nyo ang may berdeng mata." sabi nito.
Natigilan ako sa sinabi niya.Oo alam ko yun at matagal ko ng naitanong iyon sa mga magulang ko.Sabi ni mama ay namana ko daw ito sa side nila dahil si mama ay may dugong banyaga.Pero kulay brown ang mata n'ya.Pero yung lolo ko na daddy nya ay kulay green ang mata at duon ko ito namana.
"Sa side nila mama ko po ito namana." simpleng sagot ko.
"Wow!Tingin ka sa salamin." utos nito.
Napatulala ako sa nakita kong itsura ko sa salamin.Hinyaan lang nakalugay ang buhok ko na may kulot sa dulo.Light lang ang makeup ko na syang gusto ko.Mas lalong nadepina ang makapal at malalantik kong pilikmata.Lalo lamang itong nakapagpaganda sa kulay ng mata ko.Nakasuot ako ng kulay itim na tube dress na umabot hanggang tuhod ko.Isang white gold necklace lang ang suot ko sa leeg.
"Thank you.." masayang sabi ko.
Tapos na din sina Selene at Cloe na maayusan.At ang ganda-ganda talaga nila.Ng makita nila ako ay nakatulala sila sa akin.
"My god!Ang ganda mo Anika." bulalas ni Selene.
"Baliw!" turan ko.
"Magiging gwardya sibil nyan sina Kuya Caiden at Calum. "Natatawang sabi ni Cloe.
Napatigil lang kami sa usapan ng may biglang kumatok sa pinto.Binuksan ito ni Selene at tumambad sa amin ang gwapong-gwapong itsura nina Kuya Caiden at Calum.
"What the--" biglang sabi ni kuya Caiden ng mapatingin sa akin.
"Why?May problema ba?" takang tanong ko at ng mapadako ang paningin ko sa kanila Selene at Cloe ay nag-pipigil ito ng tawa.Samantalang si Calum ay nakasimangot.
"Wag na wag kang aalis sa tabi namin Anika." biglang sabi ni Kuya Caiden.Kaya lalo akong nag-taka.
"Ikulong na lang kaya natin ulit si Anika at wag ipakita sa mga tao?" suhestyon ni Calum na nagpalakas ng tawa nina Cloe at Selene.
"I told yah!" sabay na sabi nina Selene at Cloe.
"God! Princess ang ganda-ganda mo!" turan ni kuya Caiden na parang problemado.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-ngisi.So yun pala ang problema nila?
"Hindi tayo makakapang-chix nito!" tura ni Calum.
"Yeah..May tatlong Monteverde tayong gugwardyahan laban sa mga lalaking gustong lumapit sa kanila mamaya." sabi ni Kuya Caiden.
"Good girl Anika! Walang gagawing kalokohan sina Kuya mamaya.." nakabungisngis na sabi ni Selene.
Sumimangot sina kuya Caiden at Calum dahil sa sinabi ni Selene.Kaya napangisi ako.So ganito pala ang ginagawa nila sa tuwing may party.
Pag-pasok namin sa venue ay marami-rami ng tao sa loob.Ang mga bisita ay hindi basta-basta.Kramihan dito ay mga kilalang tao sa larangan ng negosyo.Naging sentro na naman kami ng tinginan at usapan ng mga bisita at ito ang ayoko yung puno ng atensyon.Ang mga mata nila ay puno ng pag-hanga lalo na ng mga kalalakihan,kung hagurin kami ng tingin ay para kaming mga pagkain na anumang oras ay handang kainin.Samantalang ang mga babae ay halos mag-laway sa kanila Kuya Caiden at Calum.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...