Eleven
Hanggang ngayon ay hindi pa din kami pinapansin ni Cloe.Pero kahit ganun ay malaki ang pasasalamat ko na hindi niya kami sinumbong na alam kong yun ang tama niyang gawin.Nanatiling sekreto pa din ang relasyon namin ni Alexius.Mas lalo kaming nag-ingat sa mga kilos namin para hindi kami mahuli.
"May problema ba kayo ni Cloe?Anika,Alexius? " tanong ni kuya Caiden sa aming dalawa ni Alexius.
Nag-palitan kami ng tingin ni Alexius samantalang si Cloe ay natigilan.
"Ah..Kuya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit si Cloe.
"Ayoko lang mamansin!trip ko lang kuya Caiden kaya wag mo na kong pansinin." pag-susungit ni Cloe kay kuya Caiden.
"May PMS ata tong si Cloe eh." natatawang tudyo ni Kuya Caiden.Sina Selene at Calum lang ang tumawa.Kami ni Alexius ay nanahimik lamang at hindi na nakisali.
"Alexius,congrats nga pala sa pagiging champion mo sa swimming team." sabi ni Calum.
"Mamaya na yung victory party nyo di ba?" tanong ni kuya Caiden.
"Yes,mamayang 7pm.."
"Invited ba kami dyan?" nakangising tanong ni Selene.
"Ofcourse! Hindi kayo pwedeng mawala sa party."
"Yes! Marami na naman akong makikitang chix!" sigaw ni Calum.
"Gago!" sabay na sabi nina kuya Caiden at Alexius.
________
"Woohh! party! party!"
Malakas na tugtog at ingay ng tao ang nandito sa loob ng bar.Dito kasi ginanap ang victory party nina Alexius.
"Babe,wag kang aalis sa tabi ko.Bawal kang uminom." bulong ni Alexius.
"Yes..Wag ka ding iinom ha?" sabi ko.
Tinitigan ako ni Alexius at nginitian ako. "Ang ganda mo babe."
I blushed.
Ng mapatingin kami kay Cloe ay agad itong umiwas ng tingin.Busy sina kuya Caiden at Calum sa pakikipagusap sa babaeng katabi nila.Samantalang sina Selene at Cloe ay magkatabi habang umiinom.Samantlang ang sa akin ay juice lang.
Biglang humina ang tugtog at nag-salita ang dj sa harap ng stage.
"Pwede bang umakyat ang champion natin dito?" sabi ng DJ.
Nag-hiyawan ang mga tao at marami ang nag-abang sa pagakyat ni Alexius.Ayaw sana ni Alexius na iwan ako pero ng umakyat sa stage ang coach nila at ilang mga teammates nya ang humila sa kanya ay wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod paakyat sa taas.
"Let's all welcome Alexius Montiverde." sigaw ni Coach hiyawan ang mga tao.Lalo na ang mga babae dahil talaga namang napakagwapo ni Alexius.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagmamalaki dahil sa dami ng babaeng pwede nyang mahalin ay ako pa ang napili niya.Nakakaproud.
"Speech naman dyan!I'm sure maraming kababaihan dito ang gustong malaman kung meron na bang maswerteng babae ang nagpapatibok ng puso ng isang Alexius Monteverde?" tanong ng baklang DJ na nagsilbi ding host ngayong gabi.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong ng DJ.Kung pwede nga lang na ipagsigawan nya na mahal nya ako ay baka ilang beses nya ng ginawa.
Kinuha ni Alexius ang mic at itinapat ito sa bibig.Narinig ko pang nagchi-cheer sina Calum,Kuya Caiden at Selene kay Alexius.Napatingin sa amin ang mga tao pati si Alexius.
BINABASA MO ANG
I can't stop Loving you
Teen FictionHanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at...