Chapter 26

379 11 0
                                    


Twenty-six

Hindi mo na kailangan pa
Ito'y sabihin pa
Na mayro'ng nagbago
Sa loob ng puso mo

Pilit kong inaalala ang mga masasayang ala-ala naming dalawa ni Alexius.

Wala akong magagawa
Kundi palayain ka
Kaya pinilit kong
Huwag aminin sa iyo

Sa pagkanta ko ay naagaw ko na ang atensyon ng mga bisita.Batid kong nagtataka sila kung bakit ganito ang kinanta ko sa anniversary nina tita.

Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang
Lumayo sa piling ko

Nasasaktan ako ngayon at lahat ng atensyon ko ay dito ko ibinubuhos.

At kung alam mo lang sana
Kailan ma'y 'di mawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Laging nasa puso ko

Mahal ko si Alexius pero hindi ko alam kung bakit nya ako nagagawang saktan ngayon

Akala ko ay kaya na
Ngayong wala ka na
Ngunit hindi pala
Limutin ka'y 'di magawa

Ano ba ang mangyayari sa buhay ko ngayong wala na ang pagmamahal niya sa akin?Magiging tulad pa ba ng dati?

Palagi kong tinatanong
Sa sarili ko ito
Ikaw ba'y lalayo
Kung lahat ay inamin ko

Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang
Lumayo sa piling ko

At kung alam mo lang sana
Kailan ma'y 'di mawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Laging nasa puso ko

Sinuyod ko ng tingin ang mga taong nakikinig sa akin.Yung iba ay naguguluhan sa ginagawa ko.

Pipilitin kong itago
Ang lahat nito
Ngunit patuloy kong tanong
Kailan kaya magwawakas, o ito

Nag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko.Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay nahihirapan na akong huminga.Gusto kong pukpukin ang dibdib ko at nagbabakasakaling mawala ang sakit.

.
Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang
Lumayo sa piling ko

At kung alam mo lang sana
Kailan ma'y 'di mawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Laging nasa puso ko....


Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang
Lumayo sa piling ko




Hindi ko na nakayanan ang nararamdaman ko.Pagkatapos ng kanta ay nag madali akong bumaba sa stage at tumakbo paalis.Rinig ko ang bulungan at malakas na pagtawag ng ilan sa akin.Nanatili akong bingi at umalis pa din.

Nasalubong ko ang nagtatakang tingin sa akin ng driver namin.Agad kong hiningi ang susi sa kanya at kahit naguguluhan ay ibinigay niya sa akin.

Pinatay ko ang cellphone ko na kanina pa nag riring.Pinasibad ko ng mabilis ang sasakyan at parang walang direksyon kung patakbuhin ko ito.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakarating ako sa lugar kung saan may dagat.Pag-apak ko sa buhanginan ay duon ako walang tigil na sumigaw ng sumigaw.Lahat ng nararamdaman ko ay ibinuhos ko kakasigaw.Gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Hinampas-hampas ko pa ang dibdib ko.Nanghihina akong napaupo sa buhanginan habang patuloy na sumisigaw.Kung may makakakita sa akin ay iisiping nababaliw na ako.

I can't stop Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon